Gendear, nagbabalik sa music industry sa awitin niyang "Unang Pag-Ibig"
" This is my comeback show sa Manila after 3 decades na nawala ako."
Bakit nga ba nawala ng matagal sa showbiz si Gendear at bakit nagdesisyon siyang bumalik?
" Yung pagkanta kanta ko sa Facebook and online, my friends and family encourage me to go back. Matagal na rin kasi. It was 1993 na yung song ko nagkaroon mg Awit Awards. Yung "Unang Pag-ibig. I'm enjoying it and my family enjoying it na nakikita nila ako into singing again."
Sa kaniyang pagbabalik ay nirecord niya muli ang hit song niya no'n na Unang Pag-ibig. Bakit ito ang pinili niya at di siya nagrevive mg ibang kanta?
" I was 15 years old 1992 nung narelease yun so bata pa ako. Wala pang emosyon. Hindi ko pa naexperience yung mabigo. "
Si Jessa Zaragoza ang masasabing kasabayan ni Gendear.Wala naman daw pagsisisi kung tumigil man siya ng mahabang panahon.
" Wala naman. I dont regret anything. It's a matter of timing. Ngayon tatlo kami, with my two daughters and I am supported by my family."
Ang dalawang anak ni Gendear ay makakasama niya sa kaniyang comeback concert sa August 12 sa Pier 1 na may titulong "Gendear Take One."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento