Janine, nagpasalamat sa Kapamilya dahil sa Dirty Linen

by Mildred Bacud

Masaya si Janine Gutierrez na napabilang siya sa teleseryeng Dirty Linen na ilang araw na lamang ay magtatapos na.

Maituturin niyang dream come true para sa kanya ang role niya bilang si Alexa Salvacion/Mila dela Cruz. Napatunayan niya kasi na kayang-kaya niyang gumanap ng karakter na napakaraming layers ang dapat ipakita.

Sabi ni Janine, "Dati kasi may nagsasabi sa akin na hanggang diyan ka lang, hindi ka pwedeng mag-play ng ganyang role, kasi mestiza ka. Sabi nila, hanggang 'yan lang ang magagawa mo dahil sa itsura mo.
“So, I’m very grateful na napagkatiwalaan ako ng ganu’ng character sa Dirty Linen, kasi ito talaga yung gusto ko, yung lumalaban, hindi one sided. Hindi mo alam kung kakampihan mo siya, magagalit o maaawa ka,” aniya pa .

Very proud daw ang aktres na napabilang siya sa powerhouse cast ng Dirty Linen. 

"Proud ako sa ipinaglalaban ng kwento. Katapangan niya at katapangan lahat ng cast to show something that's not just na kailangan mabait ako rito.

"Everybody was game to show the good and the bad sides. Lahat aligned, so proud ako na napabilang ako rito. Proud ako sa kwento. Proud ako tuwing meron tayong napapaiyak. Or merong naiinis sa ginagawa ng mga characters natin."

Sa tanong kung ano ang hindi niya malilimutang mga eksena sa nasabing serye ...

"Ang hirap po pala pumili ng isa pero ang dami talaga. Pero favorite ko rin po yung pilot, 'yung nakapasok sa mansion. Favorite ko rin 'yung nagkita kita kaming tatlo. Parang first taping namin yun eh. In the beginning, ginather kami ni tatay tapos parang dun din yung unang na-establish ng character namin na ganito si Alexa (Erika Clemente) ganito si Max (Christian Bables) at ganito si Lala (Jennica Garcia-Uytingco). 

Meron lang isang line na ibinilin sa akin ni direk Onat Diaz na kailangan masabi mo ito ng maayos. 'Yung linya ko na 'ngayong namulat ka na sa katotohanan, kasalanan ang pumikit. Isa yan sa favorite line ko na binitiwan. Gustong gusto ko rin 'yung nga eksenang naghuhulihan kami ni Aidan (Zanjoe Marudo)."

Ang Dirty Linen ay mapapanood hanggang sa Friday na lang,9:30pm sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!