Long Mejia ar Gary Lim, seryoso muna sa The Blind Soldiers
More than three years in the making na rin pala ang pelikulang " The Blind Soldiers. Nahinto kasi ang shooting nito ng magkaroon ng pandemya.
Kahalagahan ng edukasyon at pagmamahal sa bayan ang tinatalakay sa nasabing pelikula na pinrroduce ng Empowerment Film Production.
Bago ito para sa mga komedyanteng sina Gary Limat Long Mejia na kilala bilang mga komedyante.
Mapapasabak sila sa drama kasama sina Bong Cabrera at Soliman Cruz.
Sabi ni Gary isang mangmang na sundalo ang karakter niya sa pelikulang idinirehe nina Marinette Lusanta at CHED commissioner Ronald Adamat, na introducing at isa rin sa limang bida sa pelikula.
Natanong si Gary kung ano ang mga realization niya pagkatapos gawin ang The Blind Soldiers? Aniya, “Na-realize ko na importante pa rin na ibahagi ang isang history sa mga tao, para malaman nila kung anong nangyari, ‘yung truth in the past.
“Sa buhay natin, kahit ganito man tayo, kung nasaang antas man tayo sa buhay natin, it’s really a big deal. Na parang ‘yung mga nakaraan natin gamitin natin sa tama at doon natin titimbangin.”
Marami rin naantig sa kwento ni Gary tungkol sa pinagdaanan niya nung pandemya.
" Naapektuhan talaga kung anu-ano amg naisip kong pasukin para kumita. Nagtinda ako ng dog shampoo at kung anu-ano pa."
Ang masakit pa ay hindi raw niya napuntahan ang kasal ng sariling anak dahil magastos ang pamasahe sa eroplano. Namasukan din daw siya sa isang golf club na nabash pa nga siya dahil akala ng iba ay naglalaro lamang daw siya dito. Hindi nila alam ay nagtatratrabaho siya rito.
Si Long Mejia naman ay magbahago rin ng pinagdaanan.
" Tatlong taon ako walang trabaho. Dahil pinsan ko naman si Manny malaki ang naitulong niya sa akin. Binigyan niya ako ng malaking kapital. Kumbaga sabi niya 'yan magsimula ka ulit."
Ang The Blind Soldiers ay isa sa finalists sa Saskatchewan International Film Festival 2023 at ipalalabas ito sa SM Cinemas nationwide sa September.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento