FIA Driver na si Rain Cruz Medina nakikila na sa car racing; Susubok din ba sa showbiz?

(by Mildred A. Bacud)

Proud na ipinakilalala sa amin ni Geneva Cruz ang kaniyang pamangkin na car racer na si Rainy Cruz Medina. Siya ipinanganak at lumaki sa San Francisco California. Kumukuha ng BA in Business Marketing at nakatakdang magtapos sa susunod na taon.

Madalas ay umuuwi ng Pilipinas si Rain dahil dito siya nagti-training bilang car racer. Paano nga ba siya nagsimula bilang FIA driver.

" It's started as a hobby. I started watching car racing when I was 14. That was in high school. I was watching with my dad. Tha'ts for fun. And then I kept  getting better and better and started to go pro.

Ngayong taon na lamang na ito lumahok bilang professional car race driver sa Tuason Racing Formula V1 Race Challenge na ginanap sa Clark International Speedway lasy June 9-10. Nakuha ni Rainy ang first place for the first two races at second place sa third race kaya naman siya ang naging over-all champion para sa AM Class. Babalik muli siya sa Pinas sa Oktubre at Nobyembre para sa second and third leg para sa nasabing race season. 


Bakit nga ba niya pinili na sa Pinas lumaban? 

" In the States it"s so hard to find a race team. Theres a lot of sponsors. Here its easier because I was able to find a team after two week practice."

Kung paano raw siya nakapili ng team ay kinailangan daw meron siyang coach na pipili kung qualified siya mapasama sa isang team.

Nang tanungin kung bakit pinili ni Rain ang i-represent ang Pinas instead sa California kung saan siya nakabase ay dahil daw dito siya may lisensya at dito siya sa Pinas nagtitraining. 


Dahil galing sa Cruz clan na halos lahat ay nasa showbiz, tinanong namin si Rain kung may balak din ba siyang pasukin ang showbiz. Natawa na lamang siya at sinabing hahayaan na muna niya ang showbiz sankaniyang tita Geneva at iba oang kaanak niya. Sa puntong itonay nais raw niyang magfocus muna sa car racing. Pero hindi naman niya sinasara ang pintuan sa showbiz  lalu't gaya ng mga kamag-anak na sina Rayver, Rodjun, Sunshine , Sheryl at iba pang Cruz ay may talento din sya sa musika. He can play guitar,piano, bass and drums. 

"

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!