Sarah Javier tatanggap ng award sa Amerika

by Mildred A. Bacud

Walang mapaglagyan ng saya si Sarah Javier dahil tatanggap siya ng Parangal sa Amerika.Ito ang  Most Outstanding Composer / Singer/ Actress of the Year ng Amerisia Awards na gaganapin sa Hollywood sa October 14. 

Post ni Sarah sa kaniya social media, " Iam exceedingly overjoyed to receive this great honor. I want to give my sincere thanks to everyone who supported me and encouraged me to get this far. Thank you so much sir Alfredo M Yumul
Thank you Amerasia Awards🙏
Naging bahagi rin ang singer sa benefit concert ni Angeline Quinto last August 17 sa Clowns Republik. Malaking karangalan ito para kay Sarah lalu't paborito niya ang sikat na singer. 

Marami naman ang pumuri sa performance ni Sarah nung gabing 'yun. Mainit ang pagtanggap ng crowd at nakisayaw habang umaawit ito. Hindi naman nakakagulat dahil naging bahagi siya ng That's Entertainment ng yumaong si German Moreno.
Hindi kami magtatakang maulit ang pagkuha ng mga producers sa show kay Sarah dahil bawat performance ay talaga naman one hundred percent ang binibigay niya. 
Sa kasalukuyan ay pinopromote pa rin ng singer actress ang kanyang single. 

"Ang bago ko pong release now is Pangakong Napako, composed by yours truly and arranged by Elmer Blancaflor po. Ito ay isang kanta na puno ng hinanakit, na kahit nasasaktan ka ay umaasa ka pa rin.

“Soon po ay may ire-record po uli tayo, abangan po nila uli iyan dahil may na-compose po ulit ako.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!