Singaporean musical artist na si Zhang YiFei naglabas ng EP(extended play) album.



by Mildred Bacud

Ang CEO at owner ng Academy of Rock na s  Zhang YiFei  ay naglabas ng kanyang Extended Play Album na may titulong Me and Me. Nakapaloob ang 7-song instrumental. Ang passion niya sa musika ang nagdala sa kaniya para makalikha ng masabing musika.
Tinanong ng ilang press people kung bakit niya binuo ang nasabing album at ano amg maging inspirasyon niya. 

" It's all about my journey. What I've gone through the years emotionally. I'be gone to a lot of life expeperiences as well. The seven songs in this album described what I have experience."

Hindi raw hadlang ang edad sa pagpapatuloy ng kaniyang mga pangarap. 

 “Age is but a number. Its all about timing when you do something. When you want to do something dont hold back. Even if I'm 60 or 80, when i want to do something, I will not hold back." 

Dahil sa talento na may kinalaman sa art at matapos ang mga taon ng pag-eensayo,pagpupursigi, nahanap na ni Zhang ang sarili  sa pamamagitan ng paglikha ng musika gamit ang karunungan at kasanayan sa pagtugtog mg piano.
Sa kabila ng pagkakaroon ng disabilty dahil sa pagkakaroon ng dyslexia mula pagkabata, samahan pa ng iniindang  carpal tunnel syndrome ng halos limang taon na , amg determinasyon ni Zhang ang naging lakas niya para hindi ihinto ang kaniyang talento.  

Masaya naman ang Singaporean artist sa paggamit ng isa niyang likha sa natapos na seryeng The Broken Marriage Vow na pinagbidahan ni Jodi Sta Maria. 

“I feel so honored. Just now, I really wanted to cry. I am very new to composition and for my song to be able to be used in a popular drama series like this is really shocking for me. I really want to thank ABS-CBN for this opportunity. That really motivates me to write more. ”

Nang tanungin naman si Zhang kung kanino niya ihahandog ang kaniyang musika ay mabilis ang kaniyang naging sagot.

"If i would dedicate the album to a Filipino artist, it would be Yeng Constantino, ‘coz we have the same passion in music."

Si Yeng ay matagal ng ambassador ng AOR. 

Ang Singaporean visual and musical artist ay hindi lamang nakatutok sa kaniyang career.
Malaki rin ang papel niya sa Academy of Rock dahil siya ang founder nito.Business partners niya ang mga sikat na aktor na sina Joshua Garcia at Enchong Dee na aniya ay napakabait at supportive. 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry