Bea Alonzo, ramdam ang mga farmers

By Mildred A. Bacud

Swak na swak si  Bea Alonzo bilang CAF (Census of Agriculture and Fisheries) official endorser. Bilang may malaking farm sa Zambales ay ramdam na rin niya ang mga farmers. 

Taong  2011 ng nabili niya ang malaking lupain sa nasabing probinsya at ginawa niya itong recreation house para sa kaniyang pamilya. Madalas niyang i-feature sa kaniyang vlog ang naturang farm. Nakakamangha ang mga pananim niya  ro'n  tulad ng iba't- ibang gulay, prutas at may mga hayop din siyang inaalagaan. 

Sa madaling salita farmer na rin siya at nakakarelate na siya sa mga hinaing,  suliranin at challenges na kinahaharap ng isang farmer. 

“We want to achieve ‘yung mileage, information, education campaign dito sa ating census.

“As you know, we are not really, when we go to each of the houses during census time, not all respondents are so welcoming. With Bea here, she will help us,” sabi  ni Deputy National Statistician Minerva Eloisa Esquivias of the Philippine Statistics Authority.

“Alam ko po mga challenges ng farming,”  dagdag pa ni Bea.
“Masamang panahon, bagyo po talaga, minsan bigla na lang may babagsak na mga puno, minsan po mataas ang presyo ng binhi. So, ’yun po ang challenges sa pagiging farmer,” dagdag pa niya.

Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority ngayong Lunes, September 4, ang pag-conduct ng  census on agriculture and fisheries  para makakolekta ng information mula sa mga households, operators and barangays na may kinalaman sa mga sector na nasasakupan.

Sa naturang census  ng Agriculture and Fisheries ay maiintindihan ng government office ang mga challenges na kinakaharap ng fisheries and farming sector lalo na ngayon na maraming natural disasters ang nagaganap sa bansa.

Kasama sa layunin ng  PSA  ang mag-collect ng data sa sector ng agrikultura at pangingisda para sa pag-form ng policies at decisions upang ma-improve ang mga sector na ito.
Aasahan na makikipag-dayalogo ang magaling na aktres sa mga kasapi ng agricultural and fishery business para makalikha ng kaalaman sa programa ng gobyerno na abutin ang mga magsasaka para makatulong sa kanilang mga problema.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry