Bugoy, may sinabi sa hindi pagpopromote ni Belle; Nagkwento sa engagement nila ni EJ

Kumpleto ang suporta ng pamilya ni Bugoy Carino sa premiere night ng pelikula niyang "Huling Sayaw." Napanood namin ito at masasabi naming hindi kinalawang sa pag-arte ang dating child star kahit pa sabihing matagal siyang nawala sa pag-arte. 


Tinanong namin ang tungkol sa hindi pagpa-participate ni Belle Mariano sa promotion ng nasabing pelikula.

" Kasi nasa management naman niya yun. Sila yung nagdedecide..Saka alam ko wala si Belle nasa Milan. Ganun lang talaga. Hindi lang kasi nagkasundo yung management."

Dahil present ng gabing yun si EJ Laure at anak nito ay natanong na rin namin sa kaniya ang tungkol sa pagpropose niya last Sept. 13, sa araw ng mismong kaarawan niya. Kelan nga ba ang kasalan? 

"Hindi ko pa po alam. Siguro, next, next year. Pinagpaplanuhan na namin. And ayun,sobrang thankful,nagawa ko 'yung proposal, sinabay ko pa noong birthday ko.

"So ayun, masaya naman. Basta pinagpaplanuhan na namin. Sana hindi maulan para lahat ng imbitahan namin makapunta,"sabi pa niya. Church wedding ang gusto ni Bugoy. Matagal niya bang pinagplanuhan ang proposal niya kay EJ?

"Actually, 3 months bago ako mag-debut,"sagot ni Bugoy
"Parang naisip ko na..actually hindi ko po naisip,pinag-pray ko, eh.
"Sabi ko, 'Lord bigyan mo ako ng sign' na may magsasabi sa akin, na magpo-propose na ako, na kaibigan ko. E, may nagsabi. Siguro mga tatlo o lima sila.na "So ayun na yung sign ni.Lord," kwento pa niya,

Sigurado naman sa mga showbiz friends mangagagaling ang magiging abay ni Bugoy

"Kasi, like nu'ng proposal ko, 'yung mga Hashtags (ang all-male group na kasali si Bugoy, na ngayon ay buwag na)nandu'n. Tapos yung mga iba pang artista na close ko, nandun din. So ayun, sure ako na may kukunin akong mga abay sa kanila.
"Yung iba,ayaw mag-ninong, gusto lang nila abay,"natatawang sabi pa niya.

Sa grupo nilang Hashtags, si Bugoy ang pinakabata. Pero naunahan niya pang magpakasal ang ibang
kasamahan niya rito like Ronnie Alonte, na matagal na ang relasyon kay Loisa Andallo,pero hindi pa rin engage. 

"Kaya nga po nu'ng nag-propose ako, nu'ng debut ko, na-pressure sila. Sabi  nga sa akin ni Loisa,'Uy, pinressure mo naman si kuya Ronnie mo? Ikaw nag-propose na, siya hindi pa. "

Samantala, na sa mga sinehan, ang pelikulang pinagbibidahan ni Bugoy katambal si Belle Mariano na Huling Sayaw. Ito ay produced ng Camerrol Entertainment Productions, at sa direkyon ni Direk Errol Ropero.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!