Monday First Screening ng Net 25 Films tumatabo sa takilya
“Noon pong opening day, kami po ang nanguna. On the opening day, we were number one, we can claim that at marami pong nadagdag na sinehan.”
Ito raw ay despite na doble ang bilang ng sinehan ng mga foreign films na mga kasabayan ng kanilang pelikulang Monday First Screening.
"Talagang wala tayong ibang masasandalan o babalikan, kundi ang pamilya rin natin. Sa pagtanda natin, sino pa ba naman ang hahanapin natin? Pamilya rin natin…
“We want to create more stories on this and I think, based on the reactions of a lot of people, we want to create contents that will be appreciated, not only by the older ones, but the younger generations.
“Kung napansin ninyo ‘yung movie, may marriage ‘yung ano…Kahit ‘yung mga seniors, mga kasambahay, hindi ba? Parang there’s a connection with the language of the old, with the new generations,” savi pa niya.
Ang pelikulang Monday First Screening ay hinggil sa dalawang senior citizen na nagkakilala at na-inlove sa isa't isa nang magkita sa sinehan kung saan pumipila ang mga senior citizen sa libreng panonood ng sine.
Balita namin ay dinagdagan pa ang mga sinehan. Masaya rin ang SM Malls sa naging resukta ng nasabing pelikula dahil bibihira na lang din sa mga filipino films ang kumikita ngayon.
Bukod kina Gina at Ricky, mapapanod din sa pelikula ang mga premyadong sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, at David Shouder, kasama ang tambalan nina Allen Abrenica at Binibining Pilipinas 2023 2nd Runner Up at dating PBB housemate na si Reign Parani. Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento