Vince Tanada, nagtayo na rin ng talent management


Successful ang Vince Tañada Artist Management media launch. Ito ay sa pamamahala ng Palanca award-winning playwright, lawyer, actor, and award-winning director na si Vince Tañada noong September 14, 2023, sa The PSF Blackbox Theater.                           “We are capitalizing more on the talents so if you guys want talented people there we have. We are willing to supply talents to TV networks, to teleserye, to films. Nakita ko kasi na itong mga batang ‘to na napakagagaling nila eh so they have to stand up and manage.”

                             Naisip daw niya na magtayo ng talent management para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito hindi lang sa kanyang mga proyekto kundi ng marami pang oportunidad sa labas.
                         “Siguro, I try to build up kasi I’m also into directing and producing. I also get the services of a talent coordinator para kumuha ng talent. Pero naisip ko, ba’t pa ako kukuha ng talent coordinator? Sa experience ko, hirap na hirap kasi akong kumuha ng talent kasi alam mo naman, hindi ganoon ka-talented iyong iba. I have my own talents na ang gagaling, pero di ko kinukuha dahil nasa teatro sila. Sabi ko, why not these talents. I might be quite late but nothing is quite late naman in this business. Actually, dependable sila in giving and delivering what the director wants. So, that prompted me to create this talent management,” paliwanag niya.

this talent management,” paliwanag niya.

                        Higit sa pagkakakitaan ang kanyang mga talents, mas nananaig daw sa kanya ang pagnanais na mabigyan ng oportunidad ang mga ito to shine on their own merits. “Actually, I don’t need this anymore because this is not my bread and butter. Ang dami na nilang nakukuhang trabaho. Ang gusto ko lang, mabigyan sila ng maraming pagkakataon,” lahad niya.
                    Bilang manager, wala raw naman siyang ipinagbabawal sa kanyang mga talent.
Katunayan, iyong iba raw ay kinukuha na ng iba’t ibang produksyon tulad ng Cignal at maging ng Vivamax para sa serye at pelikula.
                              
                          Walang sinabi si Direk Vince kung ilang taon ang kontratang  pinirmahan ng kanyang mga alaga at madiin pa niyag sinabi na hidhi siya kukukuha ng porsiyento sa mga proyekto ng mga talent,

 at wala ring bawal-bawal sa kanya. Hindi siya makikialam sa lovelife ng mga alaga.                       Bukod sa kanyang artist management, busy ngayon si Direk Vince at ang kanyang mga alaga sa “Hero Z,” isang musical na handog ng Philstagers.                       Mapapanood ito simula sa mula Oktubre 1, 2023 hanggang Setyembre sa susunod na taon worldwide.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry