Celebrity screening ng pelikulang Monster, dinagsa ng suporta

by Mildred Bacud

Nakasama ang Showbiz Unlimited PH sa celebrity screening ng Japanese film na " Monster. Dinagsa ito ng mga kilalang personalidad sa showbiz maging ang mga hindi taga showbiz ay nagpakita rin ng suporta. 

Kuwento ni Lorna na isa sa partners ng Nathan Studios as Distributor ng nasabing pelikula sa Pinas, " Nung andun kami sa Cannes Film Festival, nakita po namin na pinipilahan nang husto ang MONSTER, at hindi namin ito napanood pero nakita namin ang trailer, at marami rin po na gusto na makakuha sa kaniya para maipalabas sa iba’t-ibang bansa at lalo din dito sa Pilipinas. Ito po ang simula, ito po ang first venture namin together at may dadating papo kaming mga pelikula.”

Dagdag pa ng aktres si Sylvia ang nagkumbinsi sa kanya na pasukin na rin amg pagpo-produce. Pinuri rin niya ang pelikulang Monster na aniya ay magugustuhan ng filipino audience. 

Napuno ang SM Megamall Cinema 2 ng mga moviegoers at mga bigating artista na sumuporta kina Sylvia, Ria at Lorna; kabilang sina Isabel Rivas, Amy Austria, Angel Aquino, Mon Confiado, Ynez Veneracion, RK Bagatsing, Jane Oineza, JK Labajo, Elijah Canlas at marami pang iba! Narito ang ilan sa mga naging reaksyon nila;

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!