Nick Banayo, nagpapasalamat hangad makapasok ang pelikulang Hiwaga sa MMFF

(ni Mildred Amistad Bacud)

"Pangarap ito na gusto kong mangyari. Hindi naman ako nabigo dahil tinulungan ako ni direk Vince," ito ang nasambit ng faith healer na si Nick Banayo matapos mapanood ang preview ng "Hiwaga." 

Masaya si Nick sa pagkakagawa ni Direk Vince Tanada ng kauna-unahan niyang pelikula sa mainstream.

" Nagpapasalamat din ako sa mga co-stars ko at lahat ng bumubuo ng Hiwaga dahil sinuportahan nila ako. ar sana suportahan ako ng manonood dahil para sa buong pamilya ito.
Tulad ng ibang pelikula ng 30 movies pa na nagsumite ng kanilang entries sa Metro Manila Film Festival ay naghahangad din sina direk Vince ar Nick na mapasama ito sa Metro Manila Film Festival. 

" Syempre sino ba ang may ayaw?  Yun ang pinupush namin dahil yun din ang pangarap naming mangyari kasi pampamikya po talaga ang pelikulang ito. "

May huli pang mensahe si Nick sa MMFF, " Ma'am, sir sana po mapasama ang aming pelikula. Hindi naman kayo mabibigo dahil maganda at pampamilya ang pelikulang ito."

Pag-amin ni Nick, kinakabahan din ang grupo nila dahil marami nga ang nagpasa ng kanilang mga entries.

" Kami naman positive na papasok ito.

Samantala, ang ilang press na nanood sa nasabing pelikula ay bumilib sa acting ni Nick bilang baguhan. Swak ang pagganap niya sa lead role at di tulad ng ibang baguhan sa umpisa na concious sa kamera, ay parang sanay na umarte ang baguhang aktor. Maganda ang guidance na binigay sa kaniya ni direk Vince. 

Bukod kay Nick, kasama din sa pelikula si Gazini Ganados na introducing din. Swak din na sidekick ni Nick si Johnrey Rivas. Kabilang din sina Elizabeth Oropesa at Ynez Veneracion. Kasama din ang mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso. Kahit naman sa maliit na role ay lumutang pa rin sa husay sina Rosanna Roces at Gardo Versoza. Aliw namam sina Donito Nose at Wacky Kiray. Sa direksyon ni Vince Tanada.  

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!