Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan
(by Mildred A. Bacud)
Kababalik lamang ng Pilipinas ng singer na si Sarah Javier galing sa Japan. Personal kasi niyang inabot ang kaniyang award bilang Most Outstanding Singer-Composer mula sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA), na ginanap sa New Otani Hotel Fukuoka Japan noong October 30.
Ang organizer ng WCEJA ay ang singer na si Emma Cordero na tinaguriang Asias Princess of Songs. Sobra ang pasasalamat ng singer/songwriter sa award na ito.
"This award is not just an honor for me, but it represents all the hard work, dedication and sacrifices that my family and loved ones have made for me. I am forever grateful and humbled to receive this recognition. Thank you from the bottom of my heart. And special Thanks To Ms. Emma Cordero."
Hindi pa nagtapos ang pagtanggap niya ng karangalan dahil bago ang Japan ay una siyang pumunta sa Amerika para naman sa 5th AmerAsia International Awards bilang Most Outstanding Composer, Singer & Actress of the Year 2023. Ang awarding ceremony ay ginanap sa Los Angeles California.
Very special ang award na ito kay Sarah, dahil ito ang first international award na natanggap niya.
Bukod sa award, ay nagkaroon siya ng pagkakataong mabahagi ang kaniyang talento ar nagbigay siya ng magandang performance sa pag-awit. Maraming humanga sa husay sa pagkanta ni Sarah. At happy siya sa mainit ang pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan du'n.
Samantala, may bagong single na pino-promote si Sarah titled Pangakong Napako, na pwede ng idown-load sa lahat ng digital platforms. Siya mismo ang sumulat ng kanta, at arranged by Elmer Blancaflor. Ang lyrics ng kanta ay binase ni Sarah sa kwento ng buhay pag-ibig ng mommy Lily niya.
"Eto 'yung kwento ng buhay ng nanay ko. So, ito 'yung kwento ng pag-ibig niya. 'Di ba si father nangatok sa ibang kwarto? "Naghiwalay sila, pero at the end of the day, bumalik pa rin siya kay nanay. 'Yung pangako niya na hindi siya magloloko, ayun, napako,"sabi ni Sarah tungkol sa kanyang song na Pangakong Napako.
Panoorin ninyo si Sarah sa Novermber 16 sa Clowns Republic. Isa siya sa special guest sa show nina Faith Cuneta at Ram Castillo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento