Jhassy Bussran, nachallenge sa role sa Unspoken Letters

(ni Mildred Bacud)
Isa ang pelikulang " Unspoken Letters," sa mga di nakasama sa Metro Manila Film Festival . Kaya aminado ang bida ng nasabing pelikula na si Jhassy Busran.

 “Ayun po, hindi naman matatapos po ru’n, na dahil hindi nakapasok or what. Ang pinanghahawakan na lang po namin, pag may nagsarang pinto, maraming magbubukas.”

Challenging para kay  Jhassy ang papel niya bilang isang raong may autism. 

“Nag-research po talaga ako for my role. Nag-observe po ako ng mga taong may ganoon pong intellectual disorder at iyon po ang naging peg ko sa aking role,”lahad niya. Hirit pa niya, marami rin daw siyang natutunan sa kanyang role bilang autistic child.

 “Mas naging aware po ako sa kalagayan nila. Mas naging compassionate po ako sa plight nila kaya may sinusuportahan din po kaming adbokasya para sa kanila,” pagtatapos niya.

Mula sa produksyon ng Utmost Creatives at sa direksyon nina Gat Alaman at Paolo Bertola, ang nabanggit na family drama ay palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 13.


Tampok din sa nasabing pelikula sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Gladys Reyes, Matet de Leon, at Simon Ibarra. Nasa supporting cast naman sina Deborah Sun, Orlando Sol, John Hendrick, Kristine Samson, MJ Manuel, at Daria Ramirez.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry