Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!
SA wakas ay magsisimula na ang shooting ng pelikulang "Ang Babaeng Ayaw Mamatay," ng Inding-Indie Film Production at Janna Dee Production. Ito ay sa direksiyon ni Ron Sapinoso.
Nagkaroon ng contract signing ang Inding Indie sa Tomas Morato Sikat Inc. Studio Quezon City no'ng November 26, 2023. Inaasahang magsisimula ang shooting ngayong Disyembre hanggang Pebrero ng susunod na taon.
Nakatakda namang ipalabas ito sa mga SM Cinemas sa buong bansa.
Ang pangunahing layunin ng proyektong ito, na pinangungunahan ni Janna Dee ay tumulong sa mga taong may kapansanan at mga nasa kahirapan. Nais din niyang maging kilala bilang Philippine Action Queen sa independent film.
Bukod kay Janna, ang mga makakasama sa naturang pelikula ay sina Diego Salvador, Pikwa, BPM, James, Shirly, Ivan Co, at marami pang iba.
Kaabang-abang ito dahil si Ron, isang kilalang manunulat at direktor, ang siyang din sumulat ng kuwento. Si Direk Ryan Manuel Favis ay ang executive producer, na magbibigay-buhay sa konsepto ng proyekto.
Buo rin ang suporta ng Young Rock School of Cabuyao, Laguna sa mga prodyuser nito dahil laging matagumpay ang mga ginagawang lakbay aral ng Inding Indie, maging ang IETI College of Alabang na bago nitong kapartner sa pagpapalaganap ng mabuting asal sa pamamagitan ng mabuting salita ng Diyos at paggawa ng makabuluhang pelikula.
Sa tiwalang ito ng mga private schools at ilang indibidual, sumuporta rin ang TNC sa pamumuno ni Eric Redulfin at kaagapay din sa mabuting layunin ang Maja Donut.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento