BG Productions, nagpasalamat sa pagsasara ng 2023; May mga bagong aabangan sa 2024
(by Mildred A. Bacud)
Mahal ni Madam Baby Go ang showbiz kaya naman bago magsara ang 2023 ay isang bonggang pre-New Year party ang inihandog niya sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media.
Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Madam Baby, hindi lang sa pagkain kungdi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press sa pampasuwerteng ampao ng lady producer at businesswoman.
Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc. Last time ay nakagawa ang produksyo ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kungdi sa iba't ibang bansa.
"May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year," saad pa ni Madam Baby.
Ibinalita din ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang 'One Dinner A Week' na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.
Muli rin daw bubuksan ni Madam Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. "Naniniwala pa din ako na may market pa din sa print," aniya.
Present sa party ang mga kaibigan ni Madam Baby na sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista.
Of course, in full support din ang mga anak, manugang at apo ni Madam Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go.
Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing yon na si Atty. Topacio.
Talagang super enjoy ang lahat that night dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Madam Baby sa dalawang industriyang kanyang ginagalawan.
"This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable," sabi pa ni Madam Baby.
Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Madam Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry. Kaya naman tunay na inspirasyon si Madam Baby sa kanyang larangan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento