Hongkong Kailangan Mo Ako ni direk Njel de Mesa mapapanood na!

(by Mildred Bacud)

Kabilang kami sa mga naimbitahang panoorin ang trailer ng pelikulang "Hongkong Kailangan Mo Ako," na pinagbibidahan nina Mayton Eugenio at  Jean Kiley. Sa direksyon ito ng masipag na Vice Chairman ng MTRCB at direktor na si Njel de Mesa. 
Walang tigil ang NDMstudios sa paggawa ng mga “de calibre” na international films! At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton  at Jeanb sa isang full-length buddy-girl comedy film.

Matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles si Mayton (e.g. Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella etc.) at Jean Kiley (e.g. Jowable, Dulo, Ikaw pa rin ang Pipiliin ko, etc.)—pero dahil sa pagtitiwala ni Direk Njel de Mesa, ngayon pa lamang sila nagkaroon ng proyekto kung saan sila naman ang bida.

Sa “Hongkong Kailangan Mo Ako,” gaganap si Mayton at Jean bilang mag-bestfriends na nagbakasyon sa Hongkong pero walang puknat ang mga kamalasan na sasapit sa kanila. Sobrang nakakatawa at makaka-relate ang mga byahero nating mga kababayan sa mga “travel horror stories” na daranasin ng kanilang mga characters na sina: Mallory at Blair. 
Ipapakita rin dito na kahit anong kamalasan sa byahe, maiibsan ang inis at lumbay basta’t may kasama kang kaibigan at maganda ang mga tanawin. Ang shooting ng buong pelikula ay ginanap at kinuhanan sa Hongkong mismo, tampok ang iba’t ibang mga magagandang tourist attractions ng bansa—kung kaya’t nagpapasalamat ang NDMstudios sa Hongkong Tourism Board sa kanilang suporta. Tampok rin ang iba’t ibang artista at talento na OFW na nagtatrabaho sa Hongkong para ipakita ang kondisyon at pamumuhay ng mga kababayan natin abroad.
“Masaya kami sa karanasan namin sa shooting dahil madaling katrabaho si Direk Njel, hinahayaan niyang laruin namin ang mga roles na sinulat niya para sa amin,” sabi ni Mayton nang ibinahagi ang proseso ng shooting sa Hongkong. 

“Masayang masaya ako at napag-sama ko ang dalawa kong kaibigan sa industriya sa isang pelikula—na talaga nga naman napaka-husay sa kanilang pagganap,” sabi ng multi-awarded nilang director. “Grateful ako sa mga hosting at acting opportunities ko sa VIVA, hindi ko rin naman magagawa ang project na ito kung hindi dahil sa kanilang suporta,” sabi ni Jean na kilalang batikang host sa mga malalaking events ng VIVA.

Gaya nang naunang pelikula ni Direk Njel na “Must Give Us Pause” na pinagbidahan naman nina Cheska Ortega at Shaneley Santos, isasali muna nila ang pelikula sa mga film festivals abroad (i.e. Japan, Hongkong, Singapore, Canada, Dubai, etc.). Matapos nito ay maipapalabas na ito sa mga sinehan dito sa ating bansa para sa mga excited nating mga kababayan. Mapapanuod na ang kanilang official international trailer sa official facebook at youtube channels ng NDMstudios Japan at Philippines. 

Bukod sa pelikulang "Hongkong Kailangan Mo Ako," may siyan pang nakalinyang pelikula so direk Njel na siguradong magugustuhan ng manonood.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!