Trans Dual Diva Sephy Francisco rarampa sa kanyang major concert!
(by Mildred A. Bacud)
Excited na sa kanyang first major concert titled " This Is Me, Sephy ang "Trans Dual Diva” na si Sephy Francisco. Gaganapin sa Rampa Drag Club 40 Eugenio Lopez Dr, Diliman Quezon City sa January 26, 2024.
Matatandaang napanood sa X Factor UK/ I Can See Your Voice Korea) si Sephy taong 2018.
Ang " This Is Me Sephy ay hatid ng BB House Of Talents nina Businesswoman at Philanthropist Cecille Bravo at Businessman Philanthropist at director din ng nasabing concert na si Raoul Barbosa.
Nagpapasalamat si Sephy sa BB House Of Talents sa tiwalang ibinigay sa kanya para magkaroon ng malaking konsiyerto.
" Until now ay di pa rin nagsi sink in sa utak ko na meron na akong major concert, "
" Grabe dati nangangarap lang ako na someday magkaroon din ako ng sarili kong concert, tiyaga lang, tiwala sa sariling kakayahan, magandang pakikisama sa industriya at paghusayan ang trabaho and soon matutupag yung dream mo at eto na nga yun
" Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga nagsisilbing fairy godmother at fairy godfather ko sa industry na sina Tita Cecille Bravo. Tito Pete Bravo and Tito Raoul Barbosa na umpisa pa lang ng makilala ko ay naniwala na sa simpleng talento ko, at ngayon ay siyang sumugal para magkaroon ako ng major concert, maraming-maraming salamat po talaga, "
" Nagpapasalamat din ako sa aking very supportive family, friends and sa other family ko ang Ka Fam na grabe din ang suporta sa akin. " sey pa ni Sephy.
Kaabang- abang ang mga pasabog na performances at line up of songs ni Sephy, plus special guest pa nito ang former Ms Saigon at isa sa pinakamahusay na babaeng singer sa bansa na si Ms. Ima Castro.
Kung saan karamihan ng susuotin ni Sephy sa concert ay gawa ng mga mahuhusay na designer sa bansa na sina Raymund Saul at Jiovanney Dela Cruz ng F&S Tailors, ang singer & composer na si Jopper Ril ang Musical Director at Floor Director naman si Jeffrey Dizon.
Kaya naman tara na sa RAMPA sa January 26 sa This Is Me, Sephy major concert ni Sephy Francisco hatid ng BB House Of Talents and Directed by Raoul Barbosa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento