Marion Aunor, patuloy na gagawa ng mga kanta sa sampung taon niya sa showbiz

(by Mildred A. Bacud)

Ten years na nga sa showbusiness si Marion Aunor. Sa kaniyang guesting sa Marisol Academy hosted by Roldan Castro, Rommel Placente at inyong lingkod ay kinwento niya ang journey ng kanyang karera. Ano nga ba ang pakiramdam na kahit sikat ang kaniyang apelyido ay nakagawa pa rin siya ng sariling marka.

" Yes. Ten years na ako. 2013 since I joined Himig Handog with my song Pumapag-ibig. Maganda rin naman yung feeling na ganun pero yung ibang tao naku-curious pa rin sa last name ko. 

" Naappreciate ko din yung mga Noranians din kasi napi-feel ko rin yung love from them but of course masarap din yung feeling na nakaka-create ng sariling identity sa showbiz."

As Aunor hindi ba siya napipiressure sa apelyido niya?  Ang tyahin niya kasi ay ang Superstar na si Nora Aunor at ang ina naman na nakilala bilang si Lala Aunor na isa sa myembro ng '' Apat Na Sikat'' ay mga sumikat nung panahon nila.

''Hindi naman. More of nakakatuwa lang na related ako kay tita Guy, mom ko kasi lahat naman sa family ko musically inclined so nakakaproud to be part of the Aunor clan.''

Sa loob ng sampung taon ano na nga ba ang naging journey ng karera ni Marion?

'' Ang dami ko ring napagdaanan sa showbiz. Nung una talagang focus ako sa pagiging songwriter sa Himig Handog tapos ako na rin ang pinakanta sa song ko. Yun ang naglaunch sa singing career ko. 

"Hanggang sa nakapagsulat na rin ako ng song for Ms. Sharon Cuneta, Jaya at Kathryn Bernardo. Pati behind the scenes na nakakahandle na rin ako sa music industry.

" Pati pagpoproduce ng music, pag-aareglo kasama ng kapatid kong si Cool Cat Ash meron kaming music production company, yung Aunorable Productions. Tapos kinuha na kami ni direk Daryl na mag musical score sa Maid In Malacanang.

" Ngayon naman meron na akong record label na kapartner ko si boss Vic del Rosario under Viva siya so lahat na tinahak ko na."

Aminado si Marion na nag-experiment siya sa kaniyang pangalan kung saan tinanggal niya ang kaniyang apelyido at dinagdagan ng letrang ''E''sa dulo pero binalik rin daw niya dahil marami ang nalito. 

Dahil ang tema ng kaniyang concert ay Valentine Concert para sa mga walang ka-Valentine at pwede rin naman sa mga meron, may lovelife ba siya?

As Aunor hindi ba siya napipiressure sa apelyido niya since ang tyahin ay si Nora Aunor at ang ina naman na nakilala bilang si Lala Aunor na isa sa myembro ng '' Apat Na Sikat'' ay mga sumikat nung panahon nila.

'' Wala. Kapag nga natatanong sa akin ay wala pala akong boyfriend. Okay lang enjoy lang sa life. ''
Nagkaboyfriend naman daw si Marion pero wala lang daw siyang napipili sa ngayon. Wala pa yung the one''

Patuloy raw na magsusulat ng mga kanta si Marion this 2024. Kasalukuyan nga niyang pinopromote ang latest single niya na may titulong "Nahulog". May MTV din ito na. Available na sa digital music platforms gaya ng Spotify, Apple I Tunes at iba pa.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry