Music Box at The Library sanib pwersa na!

(by Mildred Bacud)
Mixed emotion si Andrew de Real o mas kilala bilang Mamu sa merging ng Music Box at ang The Library na pagmamay-ari niya. Sa panibagong milestone na ito sa mundo ng comedy bars ay kinwento niya kung paano ito nangyari.
Nagkaroon kami ng pagkakataon matunghayan ang makasaysayang pagsasanib pwersa na ito na tinawag na Music Box powered by The Library. Paano nga ba ito nagsimula Mamu?

" It was in early 80's , when Wowie de Dios and I met through common friends. One time we bumped at each other again and he invited me in his small watering hole named Music Box, an apartment in Banaue converted into a sing along where i also met the only sing along master then Sonny Pinca.

" The magic of the place is its simplicity and not so pretentious  and intimidating set up. May mga na meet din na mga bagong kaibigan like Phillip So, Gerry Gerry J. Catama  Nelson Aguiflor and a lot more. Dun ko din napanuod ang show ni Allan K na baguhan pa nuon entitled Who is K?"

Taong 1984 daw ng magdesisyon ang owner ng Music Box na si Wowie sa mas malaking venue sa Timog. 

" Wowie decided to move into a bigger place in Timog to accommodate the growing number of crowd where i celebrated my 21st birthday  with the help of some friends from Music Box. 

June ng 1986 naman binuksan ni Mami ang The Library sa Malate. 

"May basbas din ni Wowie and Sonny Pinca at di naputol ang frienship, walang inggitan kundi suportahan. Pag off ni Sonny laging nasa Library at pag off ko naman ako naman ang nasa Music Box. 

"We both then became busy with our  own bars dahil sa dami ng taong gustong ma experience ang fun ng Music Box at Library. Dun na din nag umpisang tanggapin ang brand of comedy that we are both offering."

At madami na ngang  sumikat na produkto ng Music Box at The Library Comedy Bar tulad nina Arnell Ignacio, Aiai de las Alas ,Allan K, Leonard O, Pokwang, Patricia Ismael, Mel Kimura, Chokoleit Phillip Lazaro, John Lapus Vice Ganda at marami pang iba. 

Hindi naman daw naputol ang koneksyon nila ng Music Box lalu na kapag may mga espesyal na okasyon. 

"  Never naputol ang connections lalo na pag mga special occasions  like birthdays and shows. In fact, nung sumikat ang show na Si Nura at si Velma isang tawag lang ni Wowie na kung pwedeng dalhin sa QC, i immediately said Yes!"

Lumipas na nga ang maraming taon, bago ang pandemiic ay nagkita raw muli sina Wowie at Mamu it was before the pandemic na muli kaming nagkita at nag chikahan ni Wowie sa Music Box dahil birthday ni Jobert Sucaldito. 

 We talked about our good old days, how we both started, the struggles bago nakuha ang tamang timpla at formula. 

Nagbalik tanaw raw sila ng magagandang alaala nila ni Wowie. 

" Tinanong ko siya kung bakit di na siya nagpapa show just like before. Sagot niya, tinatamad na ko buti ka pa ang sipag mo pa ding gumawa ng show at nagdi develop ng mga bagong talents. And i told him sige tulungan kita sa mga shows at natuwa naman siya. But then, sad to say tumama ang pandemic  at nagsara lahat ng bars at binaba na ang telon ng entablado.  And Wowie passed away... Natapos ang pandemic at may sumugal para muling buksan ang Iconic Music Box sa tulong ni Jobert Sucaldito o  at isa ako sa natuwa at bumisita agad. Nag flash back ang masasayang araw ko sa Music Box. 

Kesa ipasara ang isang alamat na sa larangan ng comedy bars, isinalba ito ng kaibigan niya na si Jerick Gadeja at hiningi nga raw ang suporta ni Mamu. 

" Duon nabuo ang konsepto  na pagsasanib pwersa ng dalawang iconic bars ng bansa ang Music Box at The Library hindi para kumumpitensiya sa iba kundi para ituloy ang legacy at magbigay inspirasyon sa newbies at may mga balak  din magtayo ng comedy bar. 

" It maybe smaller in size compared  to others but the memories and history is definitely incomparable at di kayang lagpasan.

Last Feb. 9 nga ay naging successful ang relaunching ng " Music Box Powerd by The Library. Dinaluhan ito nina Pokwang, Joh Lapuz, Nadine Samonte, Malu Barry at marami pang iba. Nilunsad din ang Comedian Foundation Inc. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry