Sherilyn Reyes- Tan nagkwento ng di makakalimutang encounter sa bagong show

by Mildred A. Bacud

May bagong aabangan na  public service program ang GMA 7. Ito ang Si Manoy Ang Ninong Ko, na  mapapanood na simula kahapon, Linggo, 7:00 a.m.. 

Hosted by Sherilyn Reyes-Tan, Patricia Tumulak, Gellie de Bellen, at Manoy himself, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.


Tinong si Sherilyn, kung anong unang naging reaksiyon niya nang i-offer sa kanya na mag-host ng isang public service program? Sabi niya,  ,”Sobrang excited po ako. Unang-una nakapag-host na rin ako, so parang na-miss ko.

“Pero kalaunan, naiintindihan mo kung ano talaga ‘yung plataporma niyong programa. Sobrang grateful din po ako na  ipinagdasal ko na matuloy, kasi  medyo nagkaroon ng conflict doon sa isa kong show. So talagang to the extent na talagang nakiusap po ako sa GMA Sparkle na ‘please, parang awa ninyo na ilabas ninyo na po ‘yung permission. Na magawa ko po ito. Kasi talagang  excited na excited po akong Gawin.”


Walang idea si Sherilyn kung paano siyang napili para mapabilang sa Si Manoy Ang Ninong Ko. Pero thankful siya na ikinonsidera siya para rito.

“Kung paano po akong napili, hindi ko po alam. Pero ako po’y tuwang-tuwa na talagang ipinagpapasalamat ko po talaga, na ako ay parte ng programang ito.”

Kahapon sa pilot episode ay pinakinggan at tinulingan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia, at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.


Huwag palalagpasin ang Si Manoy Ang Ninong Ko tuwing Linggo, 7:00 a.m. sa GMA 7.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry