Trailer launch ng Malditas In Maldives kinaaliwan sa ganda




Sampung magagandang pelikula ang ilalabas ni Direk Njel de Mesa at ang kanyang film production company na NDMstudios. Siya ang kauna-una unahang Director-Writer-Producer na makakagawa nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Pangungunahan ito ng “Malditas In Maldives” na itinatampok ang “Muse of Philippine Cinema” na si Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee.
Sa "Malditas in Maldives", tatlong bloggers na magka-away ang nais mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. Ngunit napagtanto nilang tila umuulit ang araw nila at nagkahinalang sumakabilang buhay na sila. Habang sumasagi sa kanilang isipan na baka sila ay nasa purgatoryo, kailangang gamitin ng tatlong babae ang kanilang talino at kakatwang pag-uugali para makatawid sa mga kaganapang hindi nila inaasahan.
"Amin pong hangad na makapagbigay ng nakakatawang karanasan sa aming mga manonood," sabi ng multi-awarded writer-director-producer na si Njel de Mesa. "At sa tulong ng mga napakagaling na mga artista naming sina Arci, Kiray, at Janelle, alam naming magiging espesyal ang ipapakita namin sa inyo. Ginawa namin ito dahil dream destination ang Maldives! Kaya talagang ginastusan namin ang produksyon, kaya lang sinira ang diskarte namin ng mawala ang aming mga bagahe."
Iyon ay dahil hindi lang ang mga karakter sa pelikula ang may kamalasang sinapit, pati rin ang co-producing tandem na sina Direk Njel at Arci. Nawala at hindi kasi dumating ang personal na bagahe ni Arci pati na rin ang ilan sa mga kritikal na film equipment ni Direk Njel.
“Hindi dumating yung mga light stands namin, underwater cinematography equipment, scuba gear, boom at sound equipment—maliban sa personal kong mga kasuotan at costumes, “ binalita ni Direk Njel. “Kay Arci naman lahat ng personal niyang gamit at make-up. Wala siyang maisuot. Kaya pinagtulung tulungan na lang ng mga co-actors niya at ni Ms. Jan (ang line producer)”.
Payo ni Direk Njel, “Kung kayo’y babyahe at magpapalipat lipat kayo ng eroplano, pumili kayo ng mahabang layover—higit sa dalawang oras ang pagitan kasi madaling mataranta ang ground staff ng airports at baka rin ma-delay ang flights”.
Sa dulo, napagtagumpayan naman ng produksyon ang mga hamon sa kanila ng tadhana—kahit pa nasa isla sila na walang mga malls at mabibilihan ng kagamitan o kasuotan. “Napakaganda pa rin lumabas ng pelikula na bunga nang aming pagbabayanihan,” dagdag ni Kiray—na nagsabing ito raw ang pinakamakabuluhan at pinakamaganda niyang nagawang pelikula.
Sa kabuuan ng komedya, pakikipagsapalaran, at pag-ibig, ang "Malditas in Maldives" ay isang kakaibang pelikula na dapat abangan. Kaya't maghanda na sa pagtawa at abangan ang pelikula sa kanyang paglunsad ngayong taon. Abangan ang mga updates sa www.facebook.com/NDMstudios





Ni; Rommel Placente
Comments

Popular posts from this blog
Hiwaga na bida si Nick Banayo pang-MMFF ang dating,Direk Vince puring-puri si Nick
October 06, 2023
Image
May natapos gawing pelikula ang faith healer-actor na si Nick Banayo titled Hiwaga,na intended for Metro Manila Film Festival 2023,na siya ang pangunahing bifa.Mula ito sa direksyon ng award-winning director na si Vince Tanada. Napanood na namin ang Hiwaga sa press preview nito thru the invitation of Direk Vince. In fairness,nagustuhan namin ito. At sa tingin namin,dapat itong mapasok sa MMFF. Pambata ang tema ng Hiwaga. May fantasy,action at comedy na sangkap ito.Di ba,ang Pasko ay para sa mga bata? Kaya sa Pasko, na opening day ng MMFF dapat ay may mapanood na ganitong klase ng pelikula ang mga bata. Natutuwa si Nick na nakagawa na siya ng pelikula. Sabi ni Nick,"First movie ko sa big screen. Nakagawa na rin ako ng mga short films. "Pangarap ko talagang mag-artista kahit noong bata pa ako. Hindi ko naman akalain na matutupad ko. Nag-direk na rin ako ng sarili kong movie, nag-produce ako,pero hindi naman siya ganito kalaking movie. Sa YouTube ko lang po ipinapala

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry