Elle Fernandez, bilib sa DongYan; Hindi muna priority ang lovelife

by Mildred Bacud

IPINAKILALA ng Borracho Film Production sa pangunguna ni Atty. Ferdinand Topacio sa media ang mga bagong contract artists ng kanyang Borrat-Borracho Artists and Talent Managament, na ng isa rito ay si Elle Fernandez.
Bago pa pumirma ng kontrata si Elle  ay talent na siya ng Dragon Talent Management ng sikat na make-up artist na si Bambbi Fuentes at mommy Tine Areola na ina mg singer actress na si Shira Tweg.

"Nadiskubre po ako ni Miss Bambbi during pandemic. Tapos ano po...meron po siyang audition for P-Pop,"kwento ni Elle. 

"Actually, hindi po ako talaga marunong kumanta at sumayaw. Pero medyo ambisyosa po ako  sa  buhay, eh . At dahil pandemic, sabi ko sa sarili ko, sige okey lang 'yan, mag-a-audition ako.

"Meron naman po akong 1% na talent sa pagkanta at pagsayaw, at 99% po na kapaL ng mukha, siguro 'yun po 'yung tumatak kay Miss Bambbi kaya kinuha niya ako,"natatatawang sabi pa ni Elle.

Tinanong namin sa kaniya na kung bibigyan siya ng  mga sexy at mature roles ay okay lang ba sa kaniya. 

Sagot ni Elle,"In my 22 years of existence (sa mundo),siguro masasabi ko, ready naman po ako, pero may hangganan.
"Kung kinakailangan sa movie po,kung sa ikakaganda niya, why not? Pero kung hindi naman po, baka pwedeng pag-usapan,"

Given a chance, sino ang gusto niyang makatrabaho na mga sikat na artista?

"Sina Miss Marian Rivera po, Dingdonga Dantes at Barbie Forteza,"sagot niya
"Bata pa lang po ako, elementary days, lagi ko pong pinapanood sina Miss Marian at Dingdong sa Marimar. Si Barbie naman  po, pinapanood ko siya sa The Half Sisters."
(Elle with Sean Raval)

Sa nasabing mediacon ay marami ang kinilig sa pag-amin ng baguhang aktor na si Sean Raval sa pagkakaroon niya ng crush kay Elle. Kahit pa mas bata ito ng ilang taon ay di niya naitago ang paghanga sa aktres.  Si Atty. Topacio nga mismo ang nagbansag ng loveteam nila na  pwedeng tawaging SeanElle. Pero ng tanungin si Elle tungkol dito bagaman single siya sabi niya, "
Gusto ko po muna magfocus sa career ko. Marami pa po akomg gustong gawin. Pero tila hindi naman nagbabago ang paghanga ni Sean sa kaniya. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!