Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry
Matagal daw nagfocus lang si Ladine Roxas Saturno sa pagiging vocal coach at sa pagpapatakbo ng kanilang Vehnee Saturno's Music Training Center. Hindi naman siya huminto kahit na nung pandemya at nagsagawa pa rin ng voice lessons via online. Hanggang sa nagsabi na raw siya sa kabiyak, ang sikat at beteranong composer na si Vehnee Saturno.
''Parang nalibang kasi akong mabuti na magturo and I realized na ang tagal ko na palang nagtuturo. When the pandemic happened, sabi ko kay Vehnee ang dami kong kinakanta, saan ko gagamiting itong kantang ito?
" Nakita ko yung power ng voice ko. Nung nagkaroon ng hope na pwede na tayong makabalik ng normal lives yun na yun nagsabi na ako kay Vehnee.
Ang awitin napiling kantahin as duet ni Ladine ay ang awiting sinulat na ni Vehnee 10 years ago sa Shanghai Asian Music Festival, ang " Within," na inawit ni Lourden Panganiban."
Kwento ni Ladine, " The first time I heard the song I fell in love with it. It was first given to Sarah but never had a chance to be promoted and this song was natutulog for the longest time and sabi ko siguro dahil amin ito then Vehnee gave it to us.
" The process of doing the harmony I was like in awe when Vehnee was doing it at home so parang alam ko na yung magiging direction niya. "
Matagal na raw magkakilala sina Ladine at Kris pero first time na mag-collaborate sila.
Bilib daw si Ladine sa range mg boses ni Kris kaya happy siya na siya ang ka-duet nito.
Pero paano nga ba nila nalaman na ang mga boses nila kapag pinagsama ay maganda ang kalalabasan?
"We didnt, " sabay na sagot nina Ladine at Kris.
Esplika ni Ladine, " My responsibility to able to sing it is yung steady melody because the hardest part of it is the climax of the song because it really started low. Pero pag papunta na siya sa harmony ang hirap kapag hindi mo siya nararamdaman or one point in our lives na lahat tayobmay sinasaloob kailangan hugutin mo un eh masaya ako sa life ko eh.
" Yun yung mahirap na part. To be able to be a effective singer kailangan internalize mo siya plus the fact na mahirap talaga yung high notes."
Hangad ni Ladine na tangkilin ang awiting ito.
"Sana it will do good. Sana tangkilikin siya not only here in the Philippines kasi yung market kasi kapag English yung song marami siyang naaabot.
This song has a very beautiful hugot and meaning. We will never know what will happen but with the help of everybody here."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento