Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

by Mildred Bacud

Inilabas ng singer na si Yza Santos ang kanyang debut single na "Misteryo". Ang  beteranong songwriter na si Mr. Vehnee Saturno at ang better half naman nito na si Ladine Roxas Saturno ang mentor at vocal coach ni Yza. 

Dubbed as OPM Pop-Classical Princess. Si Yza ay lumaki sa Melbourne, Australia at gustomg  gumawa ng pangalan sa industriya ng musika sa bansa.

Ang singer na si Ladine Roxas ang kanyang mentor at voice coach.

Panahon ng pandemya inumpisahang i-train ni Ladine si Yza. Kahit via online ay tyinaga ng vocal coach singer ang baguhang singer para lalu pang mapahusay ang talento nitomsa pagkanta.Na-impress naman si Ladine dahil classical ang isa sa genre na mahusay ang bagets.

Iisa ang reaksyon ng media nang makita si Yza, pati na sa kanyang video. Kawangki raw nito ang aktres na si Ara Mina at katunog namang magsalita si Sandara Park. In the future, pwede rin naman daw niyang pasukin ang mundo ng pag-arte.


Pero sa ngayon, sa musika muna ang focus niya.

Paano nga ba nakarelate sa kantang Misteryo ang bagunag singe 

"Yung kanta po is really for someone who is really in love. I experienced that before, of course its just remained a crush and I think a lot of young people have experienced that, the teenage puppy crush, puppy love. 

"But I never expressed my feelings, I just kept it to myself. I think that song is just for my thoughts, for that anxiousness of expressing that love to a person." 

16 years old pa lamang si Yza at inamin niyang may crush na siya sa Australia. Si Lani Misalucha naman ang hinahangaan niyang singer. 
 
Tinanong din si Yza kung nag-suggest ba siya kung anong klase  ng kanta ang gusto niya sa kaniyang composer?

''Binigay ko lang po yung mga ideas ko sa kaniya. I was able to convey the details of being in love the he wrote the lyrics but he made it all.''

Mag-iistay na ba siya for good dito sa Pilipinas?

''Maybe in a future. I'll never know how it will take me but if ever I have to stay here , I would be open about it, I wouldn't mind.''

Kapag daw may mga nagsasabing kahawig niya sina Sandara Park at Aramina ay flattered daw siya. 

Ano naman ang pakiramdam niya na nasa launching na siya ng bago niyang single?

'' I am shocked that I'm able to achieve this. As a musician, its really big for my singing journey. I'm really grateful with this for this oppurtunity. It gives me space to grow, to gain my confidence on stage because its my first time to do things like this. "

Samantala, matindi pala ang henerasyong pinagmulan ni Yza. Father of Filipino Grammar ang kanyang Lolo’ng si Lope K. Santos na naging isang Senador din ng Republika. At sigurado’ng dinaanan niyo ring mabasa ang kanyang “Banaag at Sikat“. At Lolo niya rin ang isa sa leading men ng Larry Santiago Productions noon na si Bert Silva. Pati na ang musikero’ng si Constancio de Guzman na kumatha naman sa awitin’g “Maalaala Mo Kaya”. 

Bago bumalik sa Australia si Yza para sa kanyang senior high schooling in Melbourne, mag-iikot na rin ito sa kanyang guesting sa radio and TV. 

Para sa muli niyang pagbalik, isang concert na ang ihahanda para sa baguhang singer. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry