Elsa Droga,pinasok na rin ang pagdidirek via My Bae-Bi Boss, The Series

( by Mildred Bacud)

Pinasok na rin ng dating It's Showtime Ms. Q and A grand finalist na si Elsa Droga ang pagdidirek.  Sa presscon ng bagong BL series na ginawa niya  na may titulong My Bae- Bi Boss, The Series, ay nagkwento siya kung paano siya napadpad sa pagdidirek.  Ano ang inspirasyon ni Elsa Droga para gawin ang BL series na ito?


" Sa buhay mismo nila yan. Tinignan ko yung mga profile nila buhay nila tinignan ko yung mga buhay nila. Tinignan ko kung may mga jowa ba sila o wala. Nagbase ako sa profile nila o kung sino sila sa tunay na buhay para yung karakter nila silang sila yun. "

Kwento pa ni Elsa, na-inspire na rin kasi tapos na akong sumali sa mga series, movies kaya naisip ko na gumawa ng series para makatulong sa ibang artist na gustong mag-artista.
Pero paano nga ba nabuo ang cast? Paano sila nahanap?Paano yung proseso?

"Nagpa-audition kami pero marami ang tumanggi.  Pero sila ang dumating sa amin sa KKL  kasi halos kami lang naman talaga yung original na KKL admins. Ang meaning po kasi ng KKL is Kanya Kanya Lang. "

Ang nakakabilib ay wala pa raw tf ang mga artista niya pero sobra ang pasasalamat ng buong produksyon na may mga mabubuting puso na nag-iisponsor sa kanila ng pagkain at accommodation.

Pero ano nga ba ang dapat abangan sa kanilang serye at ano ang kaibahan nito sa ibang BL series? 

Paliwanag ni Elsa, "Ang kaibahan ng BL series na ito ay, all in one siya. All in one.friends, family, love ones, career, parang connected sa totoong buhay nila ‘yung mga role nila.”

Ayon pa kay Elsa, wholesome at may pampakilig pa rin naman ang tema ng serye.
Makakasama pa ng mga bidang sina  June Navaja at Vincent Marcelo sina Dindo Caraig, Robic Villanueva, Gabo Barretto , Wennie Brion, Mar Soriano, Calli Fabia, Feriesa Maniaol, Harold Yumang, at marami pang iba.

Ang My Bae-Bi Boss ay mapapanood every Saturdays, 8:00 p.m. sa Youtube Channel ng KKL Film Production.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!