Eat, Love, Pray Lipa, indeed a wonderful experience
Paglapag pa lamang namin sa Big Ben ay sumalubong na kaagad ang manager na si Rainier na siyang naatasang mag-asikaso sa amin. Namangha naman kami sa napakagandang disenyo ng Big Ben.
Lunch time at perfect daw ang Hapag Filpino restaurant na pinuntahan namin. Isa raw ito sa restaurant na pinakamatagal at pinakasikat na resto sa Lipa dahil sa lutuing pinoy na inihahain nila. Hindi naman kami nagkamali, masarap talaga ang crispy pata, pinakbet,inihaw na pusit, isda, inipit, at marami pang iba.
Marami rin palang artista ang sikat sa Lipa bukod kay Vilma Santos, nariyan ang King of Talk na si Boy Abunda. Ang asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada na isang konsehal at sa malapit na bayan ay may farm naman si Aga Muhlach.
Pagkatapos ng tanghalian ay dumeretso na kami ng Solano Hotel na tinawid lang namin para sa press presentation ng Ms. Lipa Tourism. Dito ay ipinakilala ang labing limang naggagandahang kandidata. Naroon din ang reigning Ms. Lipa Tourism na si Ms. Bea Sumulong.
Ipinakilala rin sa media ang bumubuo ng executive committee ng Miss Lipa Tourism na ang Honorary Chairman ay si Mayor Eric B. Africa. Chairman naman si
Councilor Venice Manalo na siya ring Head ng LGU Tourism Committee . Co-Chairman naman ang nag-imbita sa amin na si Joel Umali Peña na siyang Presidente ng Lipa City Tourism Council (NGO) at CEO of Big Ben Complex. Ang over-all in charge of production na si Aylene Gante Acorda at Project Coordinator naman si Luisito Nario.
Bongga din ang theme song ng Ms. Lipa Tourism 2024 dahil inawit ito ng mahusay na singer na si Faith Cuneta, at ang music ay inareglo ni Elmer Blancaflor at liriko ng Tourism Council President na si Joel Umali Peña.
Ang coronation night ay gaganapin naman sa June 15 kung saan ngayon pa lamang ay excited na kaming bumalik.
Nang tanungin kung ano nga ba ang aasahan ng mga taga Lipa at bibisita rito, ito ang nasabi ng Presidente ng Lipa Tourism na si Joel.
" Ipopromote talaga namin yung aming #eatpraylovelipa. Gusto naming ioakita sa mga kababayan namin at sa buong mundo na kami'y happy dito, eating,praying and loving. Yung aming hashtag ay galing sa ama ng bayan na si Mayor Eric Africa.
" You can eat in Lipa. We have this lomi and goto. Tandaan po natin na kami po talaga ang legit na coffee capital of the Philippines. Maraming makakainan sa amin. Pwedeng national o local brands.
"Of course you can pray. We are the little Rome of the Philippines. Kami ay isang dambana ng pananampalataya kung ano man ang relihiyon gaya ng Muslim, Iglesia ni Kristo at Katoliko.
Ang huli po ay love Lipa, ang maio-offer namin ay ang world cass shopping centers. At ang pinagmamagaking po namin ay ang aming palengke. "
Matapos ang press presentation ay syempre hindi mawawala ang pasalubong na pabaon sa amin. Mga pinagmamalaking delicacies ng Lipa. Mawawala pa ba ang kapeng barako na isa sa paborito naming kape.
May bonus pang pa-take home ng kilalang bakery sa Lipa, ang Ijo bakery na tinayo nung 2021 sa kasagsagan ng pandemya ni Joaquin Katigbak, isang Michelin-trained pastry chef.
Dating online lamang, ngayon ay dinudumog na ang kanilang bakery dahil sa masasarap na tinapay lalu na ang iba't ibang klase ng kanilang croissant. Maging ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli ay napa-post sa kanilang IG para ibida ang sarap nito.
Dahil gusto naming sulitin ang bonding ay nagyaya pa si Joel na kumain ng lomi na alam naman natin ipinagmamalaki ng mga Batangeno kaya nagpunta kami sa Pansiteria 1968.
Ganon na mga siya katagal pero hanggang ngayon ay dinudumog pa rin mg mga kumakain dahil sa espesyal na lasa ng kanilang lomi.
Last stop namin ang Matahom Events Place and Cafe. Isang napakagandang lugar na perfect maging venue sa mga okasyon. Dito ay punag-usapan namin ang muli naming pagbabalik sa Lipa habang nagkakape at kumakain ng pinagmamalaki nilang black burger, fries, kape at iba pa.
Swak na swak nga ang slogan Tourism campaign ng Lipa na #eatpraylovelipa dahil ang maikling bonding kasama ng mga magkakaibigan sa showbiz ay talaga namang napakasaya at hindi malilimutan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento