Kelvin Miranda na-fall pero tinangging naging gf si Kira

(by Mildred A. Bacud)

Humarap sa media ang cast ng  'Chances Are, You and I' na pinagbibidahan nina  Kelvin Miranda at Kira Balinger. Dito ay hindi na nakaiwas ang aktor ng tanungin kung nagkaroon ba sila ng relasyon. Matatandaan na  naging isyu kasi dati ang pagkakaugnay nila dahil sa at that time na ginagawa nila ang pelikula ay may gf ang aktor. 
Ano ba talaga ang nangyari?  
“Yung issue kasi na ito, yes naging issue sa social media, sa lahat ng platforms and ang masasabi ko diyan is ang hirap maging isang artista. Kasi hindi lang yung pag-memorize ng lines, hindi mo lang kakabisaduhin ang mga blockings, hindi lang yung makikinig ka sa director. Hindi ka puppet dito. Kumbaga, isa kang instrumento para kulayan mo yung canvas na binigay sa iyo ng director or ng writer.
Bigyan mo ng buhay, ng pakiramdam yung character or yung script na binigay sa iyo,” pagbabahagi pa niya.  

Ninanamnam lamang daw ni Kelvin ang kaniyang role at importanteng maging realistic ito para magampanan niya amg kaniyang role. 

“Sino ba namang tao ang hindi makakaramdam kung sobrang devoted ka? Yes na-confuse ako sa reality, kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko or it’s just because of my character. I don’t know. Pero isa lang yung gusto ko linisin sa issue na ito. Alam din naman ni Kira na, hindi po naging kami, okay? Para linawin yung issue. Walang ligawan na nangyari.

" Yan yung lilinawin namin dito para hindi na siguro kayo mag-isip pa ng kung ano. Yes, yung naramdaman ko noon totoo. Inaamin ko yun. Kahit na sinong magreklamo dito, inaamin ko na totoo yung naramdaman ko nung ginagawa namin yung character. Nagpakatotoo ako, yes,” sabi pa niya. 

Ginagampanan ni Kelvin ang papel bilang si Sol na labia ang kalungkutan matapos malaman ang kaniyang sakit hanggang sa makilala niya na si Gab portrayed  by Kira at may mababago sa kaniyang paniniwala. 

“Binigyan ko ng buhay, binigyan ko ng pakiramdam. Siguro dala siya ng pagmamahal sa ginagawa ko, respeto sa director ko, sa writer ko, and siyempre tiwala ko sa co-actor ko. Totoo na close kami (ni Kira) sa isa’s isa. Walang masama dun. 
Pinagkakatiwalaan namin ang isa’t isa. And dun nangyari yung magic. Hindi kami natuloy. Wala kaming naging relasyon whatsoever. Kung ano man yung iniisip niyo,” he added. 

Nagpapasalamat naman si kaniyang direktor na si Kelvin  Catherine “C.C” Camarillo na first time niyang nakatrabaho.

 “Parang nanay talaga siya. As in sa lahat ng aspeto, hindi lang sa paggawa ng pelikula. Off cam, on cam, sobrang hands on. Nararamdaman namin bilang kami, inaalam niya talaga yun. Kaya nakakalakas ng loob, nakaka-boost ng confidence kaya pinapanuod ko yung trailer paulit ulit kasi alam kong maganda yung resulta ng pelikula.”
Kasama rin sa pelikulansina Tart Carlos, Chances Are, You and I ay magbubukas sa sinehan  nationwide sa May 29. Produced by Pocket Media Productions, Inc. in partnership with Happy Infinite Productions, Inc. and Pocket Media Films. Distributed by Regal Entertainment, Inc. 




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!