Nick Vera Perez nasa Pinas para sa promo tour ng "Laging Ikaw" album

      
(by Mildred A. Bacud)
        
        Kauuwi lang sa Pilipinas ang current Mr. United Nations International (Mr. USA United Nations 2023) at multi-awarded recording artist na nakabase sa  Chicago na si Nick Vera Perez. Nasa bansa siya para i-promote ang kaniyang second album titled “Laging Ikaw.” Last May 3 sa Max's Restaurant ay humarap siya sa press people para sa kaniyang media conference.   
     
   “Yes I am here to promote the album that was not promoted dahil sa pandemic."

     Pero kahit paano naman daw ay napromote ito sa livestream na Kumu kung saan nakasama niya ang baguhang singer na si Hannah Shayne at ibang press people gaya nina Rommel Placente at ang inyong lingkod.

     We had a blast at no'n pa lang alam na namin na this will click.  

     Nagkaroon pa nga ng online singing contest si Nick sa Kumu na ang inawit ng mga contestants ay ang mga awitin niya sa kaniyang second album. 

      Napromote rin niya ito sa " Its Showtime Online na pinuri pa nga ni Robi Domingo at sinabing pwedeng maging themesong mg teleserye at Maymay Entrata. 

      Ang  " Laging Ikaw” ay ang carrier single na may parehong titulo ng album na narelease no'ng of the same-titled al in 2021. It was massively welcomed by the crowd having the song listened to by more than 1 million downloads within five days of release. 

      Bukod sa “Laging Ikaw,” his other albums are “I Am Ready,”  “Our Christmas,” “Parte Ng Buhay Ko,” and “UnAfraid.”

       May 12 tracks ang album at available ito sa 220 digital platforms for our listening pleasure in our favorite music libraries. 
    
       Hindi lang matagumoay na singer si Nick, kelan lamang ay nakapagtapos siya ng kaniyang  Doctorate degree sa  Nursing sa Walden University, kung saan natapos rin niya ang kaniyang Masters sa Nursing with a Nurse Executive concentration. Kasalukuyan namang kinukuha niya ang kaniyang fourth degree bilang nurse practitioner para maging  DNP (Doctorate Nurse Practitioner)- NP (Nurse Practitioner).  

   " Yes I'm planning to have my own clinic. Sa awa ng Diyos talaga ay napagsabay sabay ko. Kaya naman gusto na rin matapos yung promo naman nitong album ko. As Inalways say my target is to finish 10 albums. 

      Dumating ang singer sa Pilipinas last Friday,  May 3, via All Nippon Airways First Class at nakatakda nga siyang umikot sa Pilipinas, mag-guest sa radio at tv shows para ipromote ang kaniyang album. 

      He is scheduled to perform the tour beginning in his hometown, Zamboanga City by KCC Mall de Zamboanga at the Atrium on May 9 from 3-6PM. 

       He is performing for the beautiful community of General Santos @ the SM city Gen San on Mother's Day (May 12,2024 from 3-6PM) and in Davao city (Gaisano City Gate) by May 14, 2024, of the same time slot. 

      Nakasama niya sa kaniyang pagbabalik ang pinakamamahal na inang si Visitacion Tan, ang tiyahing si Carmelita Ico, at ang new-found talent bilang special guest rin niya sa kaniyang  tour na si  Ms. Evelyn Francia. Kilala rin itong singer sa Chicago.  

     Ilang local talents naman ang naimbitahang magperform sa mga mall shows ni Nick.  
oiimim
     Meantime, we will see him at Farmer’s Plaza in Cubao on May 18 (Saturday)   Star Mall EDSA-Shaw on May 19 (Sunday), Isetann Recto on May 23 (Thursday)  and Sta. Lucia on May 24 (Friday).
        
     Welcome back NVP, Mr. Nick Vera Perez to the Philippines.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry