Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan
Dumalo kami sa test screening ng pelikulang "Malditas In Maldives,"kamakailan lamang. Importante raw kasi para kay direk Njel de Mesa na makita at malaman ang reaksyon ng mga kritiko kabilang ang entertainment press at mga kasamahan sa industriya. Kahit pa nakatanggap na ito ng pagkilala sa Jinseo Arigato Film Festival sa Japan. Si Arci Muñoz ay nagwagi bilang Best International Film Actress, si Kiray as Most Versatile Comedienne, at si Direk Njel as Best International Director.
Mahalaga ang test screening para kay direk.
“Natutunan at pinaniwalaan ko ang isang kasabihan sa Japan. Wabi-sabi. Nothing is ever finished or perfect. Ako, hindi perfection ang hinahabol ko but excellence. Just so to polish my works kaya ako nagpapa-test screening. Bago maipakita sa mas maraming tao.”
“Marami akong natutunan sa screening namin sa Japan. Napansin ko kung ano ang mga joke na bumebenta at hindi. Kung saan lumalaylay at saan sila pumapalakpak. Kaya gusto ko ring malaman ang opinyon ng marami with the test screens we do.”
Maganda ang pagkakalatag ng kwento. Umpisa pa lamang ay aliw na ang karakter ng tatlong bida. Relatable ika nga at yun naman ang sinabi ni direk na may pinagdaanan ang role ni Kiray nang ma-bash ito matapos regaluhan ang ina ng 1 million bilang birthday gift.
"Kung naalala niyo, na-bash si Kiray. Pinagtanggol ko siya. Kasi yung ibang tao nakita yun na parang nagyayabang si Kiray eh ang gusto lang naman niya mag-inspire ng mga tao. Saka mahal talaga niya ang pamilya niya. Yun talaga ang intensyon niya tapos parang nabash pa siya. Ginawa ko ring inspirasyon yun."
Swak sa kani-kanilang karakter ang tatlong bida rito. Aliw kami sa mga linyahan nila. Tuwang tuwa kami sa role ni Arci na kering keri niya amg pagiging kikay at sobrang arte. Hindi rin naman bumitaw sa.kanilang mga papel sina Janelle at Kiray. Tawa at iyak talaga ang mararamdaman mo. Naloka kami sa ending na unpredictable.Mapapaisip ka kung paano tatapusin ang movie and at the same time masusurpresa ka.
Akma ang Malditas In Maldives sa panahon ngayon ng social media. Dito ipinakita kung ano nga ba ang kwento sa likod ng mga taong napapanood lamang sa social media. May mas malalim pa palang hugot ang buhay nila.
Isa pa lang ito sa marami pang mga pelikula ni Direk Njel na ibabahagi sa ating mga manonood. Relatable talaga ang mga pelikula ni direk kaya hindi kami nagtataka na pasok ito sa panlasa mg international market. Hindi rin kami masusurpresa na maioalabas din ito sa Netflix.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento