Qymira, bilib kay Kris Lawrence; Naging inspirasyon ang mga bata sa Pinas
Muling dumalaw sa Pilipinas ang International singer na si Qymira. Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na pumunta siya Pinas.
" I've been here in your beautiful country many times but it's my first time to release a single here.
Ang titulo ng kaniyang single ay " Maraming Salamat," under Vehnee Saturno Music.
Ano ba ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng masabing awiting?
" That song Maraming Salamat is inspired by the children in need in the Philippines that my foundation called One Gaia is working in the Philippines for a couple of years.
“The spirit of the Philippines touch me very very much, thats why i chose to write this song Maraming Salamat, actually devoted and dedicated to children in needs,” dagdag pa ni Qymira.
Hindi lamang mahusay na singer si Qymira, marunong din siyang mag-piano at violin.
Una naming narinig ang pangalan ni Qymira sa RnB singer na si Kris Lawrence. Puring puri niya ito sa husay sa pagkanta. Anong masasabi ng Chinese singer tungkol kay Kris?
"Yes I was fortunate to work with him. It was two years ago when Vehnee Saturno introduced him to me. We were working on a one guy projects beacause Kris also believes in one guy projects simply means one world. We were able to share along in common and we worked on the song called One Two Three. Its about inspiring people get up and go, get up and do things.
Nagkaroon na ein daw siya ng pagkakataong makasama sa UK tour si Billy Crawford.
" It's really fun to work with these guys especially Kris because we were able to work collaborate with songs."
Bilib din daw si Qymira sa talalento ng mga Pinoy singers kaya naman ng tanungin siya kung sino pa ang gusto niya makacollaborate.
" Oh I always say that Philippines has really got the most talented people in singing."
Sa bawat pagdayo raw nila sa mga probinsya para magjatid tulong ay nakakakilala sila ng mga batang mahuhusay kumanta at sumayaw.
Hindi rin naitago ni Qymira ang paghanga kay Darren Espanto na nagkaroon sila ng pagkakataong mapananood ang D10 concert nito sa Araneta Coliseum. Lingid sa kaalaman ng iba. Malaking parte sa pagtrain ng boses ni Darren ang Vehnee Saturno voice lesson. Gusto rin daw niya maka-collaborate ang world class and broadway singer na si Lea Salonga.
Samantala bukod sa ‘Maraming Salamat’ una na rin nitong nailabas ang kanyang single na ‘Give it to me’ kasama ang Filipino Singer na si Kris Lawrence at Brazilian Rapper na si Duendy Primeiro na naging No.5 sa U.K Dance Chart.
Nag No. 1 din sa Brazil ang ilan pa nyang kanta na Perdao, Sun & Sea at Vem Comigo.
Nagtanghal din si Qymira sa kilalang Salvador Carnival kasama ang Brazilian Artist na si Edu Casanova.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento