BarDa, mas naging close sa Korea; Pressured sa unang pelikula
Nakatulong raw ang bonding nina Barbie Forteza at David Licauco para mas maging close pa. Sabi nga ng aktres sa pelikulang " That Kind Of Love, " ay mas nakilala pa nila ang isa't isa.
Malaki raw ang pagbabago ng ugali ni David mula sa unang pagsasama nila ni Barbie sa
“Maria Clara at Ibarra” days.
“Ang maganda kasi kay David, very expressive yung mata niya,” sey ni Barbie. “So, pag natutunan niya to work around it, to work on his eyes, napakadali na nun. Kasi magaling din naman siyang magpakilig!And sa lahat ng proyekto namin, kada project na ginagawa namin, nakikita ko yung confidence and comfortability niya na umarte.
Given na mahiyain siya, di ba? Pero pagka nasa set yan — hindi ganitong klaseng David ang makikita mo sa set, ha? Talagang actor David yung makikita mo. Talagang game siya, willing siya, in character siya. Talagang game na game siya talaga. Makikita mo na rin na unti-unti na nabubuo yung passion niya for acting, for the craft,” dagdag pa ng aktres.
Sabi pa niya, happy at proud raw siya dahil nakita niya iyong growth ng kapareha pagdating sa kanyang craft.
“I really admire him. Nakita ko iyong transformation niya. From Heartful CafĂ© at sa mga sumunod na projects niya na kasama ako. Nakita ko iyong growth niya, “ sey niya. niya.
Pressured man dahil first film nila ito ay masasabi niyang nag-level up daw ang kanilang tandem sa first movie nila together.
Proud din siya na puwedeng ihilera ito sa mga drama na ginawa sa Seoul dahil sa KDrama feels nito.
“I would say na nag-level up na talaga kami ni David in terms of sophistication, iyong acting at iyong maturity, pati iyong styling namin. Kita ninyo naman, very close to KDrama.
Lagi ko ngang sinasabi, ito iyong pinaka-sophisticated na ginawa namin ( not only in terms of story or characterization) kahit iyong itsura namin. Nag-level up kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito,” lahad niya.
Sa “That Kind of Love”, ginagampanan ni Barbie ang papel ni Milagros Maharlika, isang dating coach at psychologist na naatasang tulungan si Adam o Mr. Perfect (David Licauco), CEO ng isang shipping company, na hanapin ang babaeng magpapaibig sa kanya.
Ang nasabing pelikula ni Direk Catherine ‘CC’ O. Camarillo na mula sa iskrip ni Ellis Catrina ay naging Spotlight Entry at Awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Mula sa produksyon ng Pocket Media Productions, Incorporated na naghatid ng “Chances Are, You and I,” na pinagbidahan nina Kelvin Miranda and Kira Balinger, tampok din sa pelikula na palabas na sa mga sinehan simula sa Hulyo 10 sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento