Arjo Atayde, wagi sa Content Asia Awards; Thankful kay Maine
by Mildred Amistad Bacud Isa na namang karangalan ang nauwi ni Congressman Arjo Atayde.Ito ay matapos ang kanyang big win sa 2024 ContentAsia Awards. Wagi bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer. Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula saABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video nuong June 1, 2023. Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat niDodo Dayao, umiikot ito sa murder investigation na kunektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer. Pinagsasama ngshow ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang kuneksyon nila sa mga pagpatay. Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman naka-posisyon ang Cattleya Killer bilang isa