Arjo Atayde, wagi sa Content Asia Awards; Thankful kay Maine

by Mildred Amistad Bacud

Isa na namang karangalan ang nauwi ni Congressman Arjo Atayde.Ito ay matapos ang kanyang big win sa 2024 ContentAsia Awards. Wagi bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.
 Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula saABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video nuong June 1, 2023. Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat niDodo Dayao, umiikot ito sa murder investigation na kunektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer. Pinagsasama ngshow ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang kuneksyon nila sa mga pagpatay.
 
Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman naka-posisyon ang Cattleya Killer bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.
 
Sa awards ceremony sa Taipei, sinabi ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong upang makamit niya ang victory na ito. “Thank you to everyone. I'm forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who's helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”
 
Patuloy na pinasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na si Maine Mendoza. “It's my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here,” he gushed. “Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this.”
 
Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN sa suporta nito. “To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po,” sabi ni Arjo.
 
Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024. Arjo’s portrayal captivated both audiences and critics, with his nuanced take on Anton dela Rosa ultimately securing him the prestigious award.
 
Ito ang latest sa string of international accolades para kay Arjo. It follows his 2020 Best Actor win at the Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman, kung saan ginampanan niya ang papel ng isang barbero na sangkot sa mapanganib na mundo ng pulitika. At si Arjo ang unang Pilipino na napangaralan ng pinaka-prestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon.
 
Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi din si Arjo bilang Representative ng Unang Distrito ng Quezon City, isangposition na na kanyang napanalunan by a landslide nuong 2022 elections. His commitment to both his craft and public service showcases his multifaceted contributions to Philippine society.
 
Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy na naiinspire at inauplift ni Arjo continues ang Filipino film and television industry saglobal stage.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry