Maple Leaf Dreams nina LA at Kira hindi intensyong gayahin ang KathDen movie

by Mildred A. Bacud

Sinuportahan ng ilang mga celebrities, pamilya, kaibigan at mga tagahanga ang premiere night ng "Maple Leaf Dreams" na ginanap last Friday sa Gateway Mall 2. Ilan sa kanila ay sina Janella Salvador, Jameson Blake,Jerald Napoles Kim Molinaat ang “Showbiz Update” hosts na sina Ogie Diaz at Mama Loi. 

Pagkatapos ng pelikula ay nagkaroon ng mediacon. Dahil sa Canada ang location ng pelikula, hindi tuloy naiwasan na ma-compare ito sa upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang "Hello, Love Again. Halos pareho din kasi ang tema nito tungkol sa mga OFW na nagtatrabaho sa nasabing bansa. 

Sagot agad ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada kami nina Alden at saka ni Ms. Kathryn. I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga yung makapunta sa Canada.”

Sey naman ni Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again. Pero malay po natin baka na magiging sad yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different.”

Ayon naman sa direktor ng  pelikula na si Benedict Mique, “ I think the more OFW stories na mapapalabas is more beneficial sa ating mga kababayan, kasi there are so many stories to be told and to be shared. And I think the more na we support Filipino film na ganito, it is the more na sinusuportahan yung ang mga kamag-anak natin, ang mga mahal natin sa buhay abroad kasi this is their story.”

To be fair ay nauna naman talagang i-shoot ang “Maple Leaf Dreams” noong 2023 pa at hindi lamang kaagad ito naipalabas dahil mas inuna ang In His Mother’s Eyes na isinali sa 2023 Metro Manila Film Festival peronunfortunately ay hindi naman nakapasok kaya ang ending ipinalabas ang “In His Mother’s Eyes” ng Nobyembre 29 na mas nauna sa MMFF.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry