Aga nagpasalamat na hindi leading lady si Nadine sa pelikulang Uninvited
Masaya at excited daw si Aga Muhlach sa reunion project nila ng Star for All Season na si Vilma Santos via "Uninvited" ng Mentorque Productions. Tatlong dekada rin mula ng huli silang magtambal sa mga pelikulang " Sinungaling Mong Puso," at " Nag-iisang Bituin."
Pero ang nakakatuwa sa kwento ng aktor sa bonggang presscon mg nasabing pelikula ay ang kaba raw na naramdaman niya nang sabihin ni direk Dan Villegas na makakasama niya si Nadine Lustre. Akala raw niya ay ang aktres ang makakatambal niya. Mabuti na lamang daw ay gaganap siyang ama nito.
Hindi na raw bata at tanggap na ni Aga na tapos na siya sa pa-loveteam o gumawa ng mga love story, dahil na rin sa edad niya.Hindi na rin siya komportable na may kaparehang mas bata sa kaniya.
Matatandaang sa mga nakaraang pelikula niya ay ipinareha na siya kina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Bea Alonzo at ang huli ay si Julia Barretto.
Sey ng aktor, “I cannot anymore. Parang hirap na ako gumawa ng mga ganung istorya na, you’re being paired with a young generation, it’s really hard. ”
"So, when the film Uninivited was offered, this is more parang I have the freedom now to do my thing, to be me. To be 55 and act me. So, it was easy for me to say yes.” dagdag pa ng aktor.
Samantala excited si Aga sa pelikulang Uninvited dahil sa kakaiba niyang role na may pagka dark. Very challenging daw ito na malayo sa mga love story na tema ng pelikulang ginagawa niya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento