IMG, may malasakit sa bayan


ISANG grupo ng mapag-malasakit na Pilipino ang umaapila sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, maka-tao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm Elections.  

Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Pilipino na ang kanilang mga boto ang siyang kinabukasan ng bansa.

Nanawagan din ang IMG na iwasang tangkilikin ang mga kaalyado ng mga Duterte sa darating na May 2025 midterm elections, na pinamu-munuan ni dating President Rodrigo Duterte. Na ang pamilya ay kilalang sikat na political dynasty sa Mindanao. Ang kanyang anak ay si Vice President Sara Duterte, samantalang ang panganay na anak na si Paolo ay isa namang congressman at si Sebastian Duterte ang kasalukuyang  mayor ng  Davao City.

Dahil nga sa nalalapit na eleksiyon ay madiin talaga ang paninindigan ng IMG na dapat bumoto ng tama lalo pa’t kapakanan ng taumbayan ang nakasalalay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry