Nadine Lustre, oppurtunity of a lifetime daw makatrabaho sina Vilma Santos at Aga Muhlach
Isang malaking challenge na naman sa acting career ni Nadine Lustre ang mapabilang sa pelikulang Uninvited" na entry ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival.
Pressure kaya ito sa kaniya dahil alam naman natin na last year ay siya ang tinanghal na best actress sa MMFF para sa pelikulang "Deleter."
This time ay makakasama naman niya sa nasabing pelikula ang icons sa showbiz na sina Star for all season Vilma Santos at Aga Muhlach.
Nang tanungin si Nadine kung ano ang pakiramdam niya. Aniya nang tawagan daw siya ng direktor nito na si Dan Villegas, at ikwento sa kaniya ang synopsis ng nasabing pelikula, hindi pa raw tapos ang pag e-explain ay agad siyang napasabi ng game na. Lalu na nung nalaman na makakasama niya sina Vilma at Aga.
" Kelan ko ba masasabi na nakatrabaho ko sila ( Vilma at Aga) in one film. This is an oppurtunity of a lifetime," sey ng aktres.
Kaagad daw niyang tinanggap ito. Pag- amin naman niya na nung umpisa ng kanilang shooting, pagdating niya sa set ay kabado siya dahil bigating mga artista nga ang kasama niya pero naramdaman daw niya ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng lahat ng cast lalu na sina ate Vi at Aga. Kaya naman daw gusto gagawin niya ang kaniyang best.
Bukod kina ate Vi at Aga, kasama rin sa pelikula sina Mylene Dizon, Gio Alvarez, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla, Ron Angeles at marami pang iba.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento