Jojo Mendrez pinag-aagawan nina Rainier Castillo at Mark Herras?

(by Mildred Amistad Bacud)

Matapos ma-link kay Mark Herras, spotted naman ngayon ang Revival King na si Jojo Mendrez at Rainier Castillo.


Same din sa isang casino hotel. Dahil matao ang nasabing lugar, walang ligtas ang dalawa sa mga netizens na kumuha talaga ng larawan nila.

Tulad ni Mark  si Rainier ay produkto rin ng  original artista search ng GMA 7 na “StarStruck" at magkaibigan sila ni Mark.

Kahit ang veteran journalist na si Jobert Sucaldito ay may post sa kanyang Facebook account.

Aniya, “First it was Mark Herras na kasama ni Revival King Jojo Mendrez sa Okada Hotel dahil they were supposed to collab sa super-hit revival song na ‘Somewhere In My Past.’

“Inintriga ng press na merong ‘something’ between Jojo and Mark pero itinanggi ito ni Jojo sa media launch. Minutes after he denied the rumors about him and Mark, habang kinakanta niya ang Jonathan Manalo’s original entitled ‘Nandito Lang Ako,’ biglang dumating si Mark with an expensive bouquet of flowers with matching halik sa cheeks. “Naguluhan ang members of the press – ‘ano ba talaga?
“Anyway, weeks passed and here comes Jojo with Mark’s co-Starstruck Survivor Rainier Castillo playing cards in the same casino. Naloka ulit ang press – sino ba talaga kina Mark and Rainier? Para kanino ba talaga itong ‘Nandito Lang Ako song?’

Well come to think of it in a way nakakatulong din si Jojo psra mapag-usapan muli sina Mark at Rainier. Pareho na kasi silang hindi visible sa serye. Malay naman natin sa publicity na nakukuha nila kay Jojo, ay maisip muli ng Kapuso network na bigyan muli sila ng project. Sana naman.  




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan