Jojo Mendrez inaalay ba ang latest song kay Mark Herras?



(by Mildred Amistad Bacud)

Trending at hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang real score sa Revival King na si Jojo Mendrez at aktor na si Mark Herras. Mula kasi nang maispaatan ang dalawa sa isang hotel ay hindi na namatay ang isyu. Hanggang sa nagkaroon ng mediacon ang singer ay bigla na lamang umapir ang aktor at nagbigay pa ng bulaklak habang kumakanta.si Jojo. 

Ang kantang inaawit ng Revival King ay kinompose ni Jonathan Manalo under Star Music. Ang title ay ' Nandito Lang Ako.' Marami ang naintriga sa meaning ng kanta. Para Kay Mark daw ba ito?

Heto pa ha, isang liham ang lumitaw na galing daw sa singer para sa aktor at tinawag pa niya itong 'bebe.'

Nakasulat dito ay,  "Please 'wag ka ng magsayaw sa gay bar hindi kasi maganda para sa yo. Take care always nandito lang ako."

Nang tanungin si Jojo sa kaniyang mediacon kung may something sa kanila ni Mark,ang sagot niya ay kung sasabihin daw niya na wala, ay walang maniniwala.Kung sasabihin naman niyang meron, ay wala rin namang mainiwala.So saan daw siya lalagay?
Bahala na lang daw ang mga tao ang mag- isip kung may relasyon ba talaga sila ni Mark o wala di ba?

Samantala,ang ni-revive ni Jojo na kanta ng namayapang aktres na si Julie Vega na Somewhere In My Past, ay naka-50 million combined views na sa social media as of this writing kaya naman karaoat dapat siyang  tawagan na  Revival King. 

Ang isa pa sa ni-revive na kanta ni Jojo ay yung Handog, na ang original na kumanta ay si Florante. Ang nasabing awitin ay tinanghal na Revival Song of the Year sa Star Awards For Music noong 2018. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan