Iza Calzado masaya sa bagong endorsement; Mas naging ganadong magluto
(Mildred Amistad Bacud)
Masayang nakipagkwentuhan si
Iza Calzado sa Department Store ng SM North para ibida ang pinakabago niyang endorsement. Ito ang Metro Cookware Set o tinawag na Metro Iza Calzador Starter Set. Natuwa kami dahil kami rin ay nakatanggap nito.
Dahil isa ng ina, mas ramdam daw ng aktres ang appreciation na kunin siya bilang endorser.
"'Totoo ba? Is it a sign?' sabi ko. Pinagluluto ako ng Panginoon. Ang clear ng sign. Okay, go! Thank you Lord!
"Syempre thank you that the brand is trusting me. E ang sakto, 'Start with Metro,' ang tagline nila. Siguro brand fit din. Siguro hindi pa nga nila alam na nag-start pa lang ako. So, it's so good it's aligning to what's happening to me," sabi ni Iza.
Sa kasalukuyan, paborito raw lutuin ni Iza ang bolognese pasta, na paboritong kainin naman ng kanyang mister na si Ben Wintle at anak nila na si Deia Amihan.
Sa launching ay nagpasample naman si Iza ng mga pagkain tulad ng pancakes at burger na niluto niya gamit ang Metro Cookware non-stick cooking pan.
Unti-unti naman ay inaaral na rin ng aktres ang pagluluto ng ibang putahe Minsan nga ay nagplano siyang paglutuan si Ben para sa birthday nito kaya nagpaturo siya.
Kuwento ni Iza, "May isang birthday niya na nagpunta ako kina Chef Florabel. Sabi ko, 'Florabel patulong naman.' So, may isang chef siya na nagturo sa akin.
"Shrimp dish siya, something, hindi ko na matandaan ano ang tawag. Three dishes yata yung niluto namin.
"Kaya ko namang mag-follow. Pero yung confidence talaga yung lacking. Kaya malaking bagay na may partner tayo katulad ng Metro na nakakapagbigay ng confidence sa atin."
Available ang Metro Cookware sa SM Home Exclusive.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento