Vice Mayor Mamay Marcos proud sa sampung nominasyon sa 73rd Famas Awards


(Ni Mildred A. Bacud)

Proud at masayang masaya ang Vice Mayor ng Nunungan Lanao del Norte at producer na si Manay Marcos dahil sa nakuhang sampung nominasyon ng pelikula niyang  Mamay: A Journey To Greatness sa 73rd Famas Awards.  Nitong Byernes August 22 sa Manila Hotel magaganap ang naturang awards night. 

Ang nasabing pelikulan ay inspired sa totoong buhay ni Vice Mayor Mamay at kung paano niya narating ang estado niya ngayon.

Paano nga ba siya nagtagumpay sa kabila ng hirap at matagal na hidwaan ng angkan? 

Sumentro ang kuwento ng pelikula sa kanyang pamumuno at pananaw sa pagbabago ng kanyang komunidad tungo sa pag-unlad .

“I grew up in conflict, but I chose not to let it define my future. Instead, I focused on education and peace, believing they were the only weapons strong enough to change lives,” sabi ng butihing mayor.

Ang kanyang journey ay sumasalamin sa mas malawak na adhikain.

“My story is proof that no matter how difficult your beginnings are, if you remain determined in your journey, you can achieve greatness—not just for yourself but for your community,” saad nito.

Nakuwento rin ni Mayor Mamay ang partisipasyon niya sa likod ng kamera bilang Assistant Director dahil maraming eksena na naglalarawan sa kultura at tradisyon ng Muslim ay sensitibo at gusto niyang tiyakin na ang mga ito ay may authenticity at respeto.

. “I wanted to make sure the story, especially the Muslim scenes, was delivered properly. Ayaw kong ma-bash dahil this is not just my story—it represents my culture and my people,” pag-amin ni mayor Mamay.

Anyway, inamin din ng producer na nu’ng malaman ng mga artistang sa Lanao del Sur ang shooting ng pelikula ay marami ang nag-atrasan dahil nga hindi pa rin nawawala sa isipan ng lahat na magulo ang nabanggit na lugar.

“Nagpapasalamat ako kina Jeric, Ara, Toni (Co) at iba pang sumama sa Lanao, hindi sila nag-atubili,” sambit ni Mayor Mamay.

Samantala, narito ang 10 nominasyon ang ‘Mamay: A Journey to Greatness’ sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
• Best Picture – Mamay
• Best Actress – Ara Mina
• Best Supporting Actor – Jeric Raval
• Best Director – Neal Buboy Tan
• Best Screenplay – Neal Buboy Tan
• Best Production Design – Cyrus Khan
• Best Cinematography – Gilbert Obispo
• Best Musical Score – Mamay
• Best Sound – Mamay
• Best Song – “Hamon” by Gerald Santos, composed by Vehnee Saturno

Ang cast ng pelikula ay binubuo nina Polo Ravales, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Sabrina M, Devon Seron, Ron Angeles, Jethro Ramirez, Alvin Fortuna, Dennis Coronel, Shiela Delgado, Baby F. Go, Via Veloso, Katrina Paula, Tonz Are , Teejay Marquez.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shane, gustong makilala sa sariling bansa

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Iza Calzado masaya sa bagong endorsement; Mas naging ganadong magluto