Fyre Squad talents inilunsad; Bagong mga artista ipinakilala!
Inilunsad ang FYRE SQUAD para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang nangangarap maging artista.
Sa kanilang grand launch ay ipinakilala ang children’s magazine-style TV show na prodyus ng FYRE Talent Academy — isang platform na binuo para sa mga batang gustong ma-showcase ang kanilang mga talento.
Iba -iba ang kaya nilang gawin tulad ng pag-arte , pagkanta at pagsayaw.
Pinangunahan ang launching/contract signing nina Pau Ordona (Founder) at Renz Baron Florez (Co-Founder ng Fyre Talent Academy). Kasama ring inilunsad ang mga Fyre Squad Artist na sina Fyre Squad- Alisha, Fyre Squad-Dione, Fyre Squad-Ava, Fyre Squad-Brienne, Fyre Squad-Brielle, at Fyre Squad- Rob.
Si John Fontanilla aka DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1 ang nag-host ng event at special guest naman si Wize Estabillo ng It’s Showtime Online U.
Ayon kina Pau at Renz ay dumaraan daw ang mga bata sa matindi g workshops para ma- hone ng husto ang kanilang talents at malaman kung sayang genre sila mahusay. (Mildred Bacud)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento