Mga Post
Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
by Mildred A. Bacud Dumalo kami sa test screening ng pelikulang "Malditas In Maldives,"kamakailan lamang. Importante raw kasi para kay direk Njel de Mesa na makita at malaman ang reaksyon ng mga kritiko kabilang ang entertainment press at mga kasamahan sa industriya. Kahit pa nakatanggap na ito ng pagkilala sa Jinseo Arigato Film Festival sa Japan. Si Arci Muñoz ay nagwagi bilang Best International Film Actress, si Kiray as Most Versatile Comedienne, at si Direk Njel as Best International Director. Mahalaga ang test screening para kay direk. “Natutunan at pinaniwalaan ko ang isang kasabihan sa Japan. Wabi-sabi. Nothing is ever finished or perfect. Ako, hindi perfection ang hinahabol ko but excellence. Just so to polish my works kaya ako nagpapa-test screening. Bago maipakita sa mas maraming tao.” “Marami akong natutunan sa screening namin sa Japan. Napansin ko kung ano ang mga joke na bumebenta at hindi. Kung saan lumalaylay at saan sila pumapalakpak....
BarDa, mas naging close sa Korea; Pressured sa unang pelikula
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
(by Mildred A. Bacud) Nakatulong raw ang bonding nina Barbie Forteza at David Licauco para mas maging close pa. Sabi nga ng aktres sa pelikulang " That Kind Of Love, " ay mas nakilala pa nila ang isa't isa. Malaki raw ang pagbabago ng ugali ni David mula sa unang pagsasama nila ni Barbie sa “Maria Clara at Ibarra” days. “Ang maganda kasi kay David, very expressive yung mata niya,” sey ni Barbie. “So, pag natutunan niya to work around it, to work on his eyes, napakadali na nun. Kasi magaling din naman siyang magpakilig!And sa lahat ng proyekto namin, kada project na ginagawa namin, nakikita ko yung confidence and comfortability niya na umarte. Given na mahiyain siya, di ba? Pero pagka nasa set yan — hindi ganitong klaseng David ang makikita mo sa set, ha? Talagang actor David yung makikita mo. Talagang game siya, willing siya, in character siya. Talagang game na game siya talaga. Makikita mo na rin na unti-unti na nabubuo yung passion...
Qymira, bilib kay Kris Lawrence; Naging inspirasyon ang mga bata sa Pinas
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
(by Mildred Bacud) Muling dumalaw sa Pilipinas ang International singer na si Qymira. Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na pumunta siya Pinas. " I've been here in your beautiful country many times but it's my first time to release a single here. Ang titulo ng kaniyang single ay " Maraming Salamat," under Vehnee Saturno Music. Ano ba ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng masabing awiting? " That song Maraming Salamat is inspired by the children in need in the Philippines that my foundation called One Gaia is working in the Philippines for a couple of years. “The spirit of the Philippines touch me very very much, thats why i chose to write this song Maraming Salamat, actually devoted and dedicated to children in needs,” dagdag pa ni Qymira. Hindi lamang mahusay na singer si Qymira, marunong din siyang mag-piano at violin. Una naming narinig ang pangalan ni Qymira sa RnB singer na si Kris Lawrence. Puring puri niy...