Arnold Reyes, binahagi ang sikreto ng pagiging tagumpay na aktor
(ni Mildred Bacud) Grateful ang award winning actor na si Arnold Reyes na sa tagal niya sa showbiz ay patuloy ang pagbibigay sa kanya ng opurtunidad. Sa tanong kung ano ang sikreto ng longevity niya sa showbiz aniya ay ang pagmamahal daw sa kaniyang craft. Pero tulad ng ibang artista ay naranasan rin niya ang matarayan ng kapwa artista. "May Isang eksena ako sa isang show. Yung eksenang 'yun nasaksak ako para hindi ko masabi yung katotohanan. Sabi nung lead actress, hindi niya ako tinitighan ha, tapos biglang sabi niya na pwede ba huwag Mo muna akong hawakan kasi marami kang dugo." Napatanong na lang daw ang aktor sa sarili kung paano niya bibitawan ang linya kung hindi niya hahawakan ang aktres sa eksena. Kaya naman ginawa pa rin niyang hawakan ito. Pero ano pa man daw ang mga naranasan sa showbiz ang importante aniya ay patuloy na binibigay niya ang best niya sa bawat proyektong ino-offer sa kaniya at nagkataon daw na gusto niy...