Toni balik concert; May sagot sa mga bashers
by Mildred A. Bacud
Matagal din hindi nakatsikahan ng press people si Toni Gonzaga mula ng magkapandemya. Pero nakakatuwa dahil hindi pa rin nakakalimot ito. Sa Winford Hotel and Casino na isa sa sponsors ng I Am Toni concert ginanap ang nasabing press conference. Produce by Godfather Productions ni Joed Serrano at co-produce ni Mommy Pinti, ina ni Toni.
Nagkwento agad ang multimedia star tungkol sa kanyang pagbabalik sa concert scene sa January 20,2023 sa Araneta Coliseum na bahagi ng 20th anniversary niya sa showbiz at ika-39th birthday niya.
Napansin naman agad ng mga press ang simpleng poster niya.
" Gusto ko na lang din kasi na simplehan lang. Yung parang I woke up like this pero ang lipstick at eyelashes." biro niya.
“It’s just a recollection of everything that happened in the 20 years. How I started, what happened in between, and where I am today.
“Parang it’s going to be a journey, yung concert. It’s more of a story of everything of my life.”
Inesplika rin niya kung bakit I Am Toni ang titulo ng kanyang anniversary concert.
“Kaya yun naging I Am Toni, it’s because during the pandemic, I realized the power of affirmation.
“I read this book that it says there, anything that you say after I am, follows you and you become.
“Parang, you have to say it out loud what you want to become. And then, I’ve been doing that for almost two years now, yung I look at myself in the mirror, and I tell myself what I want myself to hear.
“I am beautiful. I am blessed. I am grateful. I am confident.
“There’s so many things that I recite to myself. But overall, what I always say every morning is that I am blessed and I am grateful.
"Grateful that I am still here, grateful that I am still alive, grateful that I can still do what I love to do.
"And I am grateful that every morning I’m given another chance and opportunity to change each people’s lives because of my job."
Ayaw naman ireveal ni Toni kung sinu-sino ang mga special guests niya pero malaki raw ang naging parte ng mga ito sa kaniyang buhay.
Susundan niya sa titulo ng concert ay tinanong ang host/actress kung ano ang mensahe niya sa mga sumusuporta pa rin sa kaniya.
“I am Toni, and I am very grateful. I am grateful for the love, for the support, for the belief that they still have in me, belief that they still have in me, and isa sila sa kinu-consider kong pinakamalaking biyaya na meron ako sa industriya.
“To have people and believe me all these years.”
Special mention syempre ang kaniyang pamilya.
“Sa family ko, I Am Toni… Gonzaga, kasi Gonzaga ang apelyido ko.
“Parang hindi naman ako nabago. I am Toni. I am still the daughter of my parents. I am Alex’s sister. I am still the same person who started in the business, and I didn’t change.
"I just became the person who I really meant to be. I realized it… parang I am more secure. I am secure of who I am, where I am and where I’m going in my journey."
Pagdating naman sa mga bashers ni Toni ay may mensahe rin siya.
“Sa mga haters, bashers… ahh I am quiet. Silence is the best answer. No response is the best response. Sa mga hindi magagandang bagay, I am quiet na lang siguro.
“We are not a fighter, we are a lover. We only speak about the things we love. I do not like speaking about hate. Because, love always wins. Winner lang tayo. Love lang tayo.
“Puro pagmamahal, because the energy you give is the energy you will receive. So, puro love lang tayo dito. Puro pagmamahalan.”
Bukod sa Winford, kabilang din amg Ever Bilena at Hello Glow sa mga sponsors.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento