Marikit Artist Management, nag-launch ng mga bagong talents
by Mildred A. Bacud Bongga naman ang ginanap na launching ng Marikit Artist Management last Tuesday, January 24 na ginanap sa Manila Hotel. Ang mga talents na nilaunch nila ay sina Charles Angeles, Jeremy Luis, Kyle Ocampo, Angelika Santiago, Barbara Miguel, at ang Masculados na magdiriwang ng kanilang 20 years sa showbiz this February. Pinangunahan ‘yon ng CEO na si Joseph Aleta. Gusto raw nilang maging tahanan ng mga aspiring actors at mga artistang may pangalan na. Ayon kay Jojo, tunog Pinoy at maganda raw ang kahulugan ng Marikit kaya ito ang pinili nilang pangalan ng kanilan talent agency. “‘Yung Marikit kasi, gusto namin mag-search across regions para maiba. Naniniwala akong maraming aspiring local talents around the Philippines like Visayas and Mindanao.Gusto namin silang mainvite para ang Marikit ang maging vehicle nila para mapenetrate ang mainstream. “Bakit Marikit? Simple pero gusto namin uniq...