Mga Post

Merly Perergrino,may bwelta sa dating alaga na si Clark Samartino

kung interesado ka na magpatulong sa akin, pumunta ka sa bahay ko ng May 14.  That time, nandun sa bahay sina Schzana Laparan at Jerome Ponce. "Nung nagkausap na kami, ang kwento niya sa akin, sana raw ay matulungan ko siya dahil marami siyang pangarap na naudlot. "Sabi niya, marami akong naging manager na pinagsamantalahan lang ako. Pinarehan lang daw siya. Ginamit lang daw siya, pero ni singkong duling daw ay hindi siya binibigyan. "Tapos nung nakilala daw niya si Keanna Reeves, akala niya ay matutulungan siya. Pero nagkamali raw siya. Sakal na sakal daw siya kay Keanna, to the point na pati raw mga magulang niya, at mga kapatid niya, e ayaw pakausap sa kanya. Kaya tumakas daw siya kay Keanna.  "Pati social media accounts niya, binura niya, para maiwasan na raw niya si Keanna.  "Siyempre sa kwento niya, naniwala ako sa kanya. "E ako naman si tanga, pusong mamon, maawain, tinulungan ko siya. "Tapos ngayon kung ano-ano pang sinasabi niya laban sa akin...

Bagong recording artist na si Dindo Caraig, proud member ng LGBTQ+

Ipinakilala ni mommy Merly Peregrino ang bago niyang talent na si Dindo Caraig sa ilang press people kabilang ang inyong lingkod.  TALL, dark ang handsome ang alaga ni Mommy Merly Peregrino na si Dindo Caraig, na isang aktor at singer. Ang una niyang single ay may pamagat na Ikaw at Ako. Sobrang saya si Dindo na natupad na ang pangarap niya na maging isang recording artist. "Grabe! Araw-araw, gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin, 'yung mga magagandang nangyayari sa akin ngayon.  Dati, ang gusto ko lang ay mag-focus sa pag-arte, pero ngayon, isa na rin akong singer,"sabi ni Dindo. Siyempre pa, malaki ang pasasalamat ni Dindo kay Mommy Merly Peregrino, na tumatayong manager niya ngayon, na talagang all-out ang ipinapakitang suporta sa kanyang singing and acting careeer. Ikinwento ni Dindo na nakilala niya si Mommy Merly nung magpunta siya sa burol ng namayapang anak nito. "Ako po kasi nakikitira lang sa dati kong ka-trabaho. Nag-aalag...

Gawad Amerika Museum itatayo sa Angono Rizal

Imahe
by Mildred Bacud Nasa Pilipinas ngayon ang founder at CEO ng Gawad Amerika na si Charles Simbulan para sa magandang balita. Nagkaroon kami ng pagkakataong makakwentuhan ito sa Tokyo Unlimited Japanese Restaurant na pagmamay-ari ni Wilbert Tolentino.  Inaasikaso ni Mr. Simbulan ang pagpapatayo ng Gawad Amerika Museum na itatayo sa Angono Rizal.  "Yes the purpose of my visit is to materialize our plan to build Gawad Amerika Museum and our target date is in December 9 this year.  Magiging laman daw ng Museo ang mga nakulektang memorabilia mula 2001 nang magsimula ang Gawad Amerika up to this time. Isasabay na rin daw ang pagpapagawa ng Walk of Fame sa nasabi ring lugar.  Bakit nga ba sa Angono Rizal? " Back in 2000 in Angono, I met this guy Conrado Cruz, he is a city councilor. He is a very wise person. His help is unconditional. With that person, I was really inspired. He is one of the volunteers from the start thata why the board members chose ...

The Ocular horror movie kaabang abang

Imahe
by Mildred A. Bacud Nangangako ang "#TheOcular" ng #NjeldeMesa na sindak-sindak ang mga madla sa nakakakilig nitong storyline at mga pambihirang performance nina Jaira Mara, Preet Singh at Nicole dela Cruz. Ang pelikula, na ginawa sa ilalim ng NDMstudios, ay sumusunod sa kuwento ng tatlong bed spacer na binisita ng isang lokal na nilalang mula sa ibang dimensyon. Ang "The Ocular" ay dapat makita para sa mga mahilig sa horror, dahil pinagsasama nito ang suspense, terror, at nakakagigil na soundtrack para lumikha ng hindi malilimutang cinematic na karanasan. Ang pelikula ay idinirek ni #NjeldeMesa, isang mahusay na direktor sa industriya ng pelikula na kilala sa kanyang natatanging diskarte sa pagkukuwento at ang kanyang kakayahang lumikha ng nakaka-engganyong kapaligiran. "Nasasabik kaming dalhin ang 'The Ocular' sa mga manonood sa buong mundo," sabi ni #NjeldeMesa. "Ang aming koponan ay walang pagod na nagtrabaho upang lumikha ng i...

Bruno Mars concert sa Philippine Arena, nadagdagan ng isang araw

Imahe
by Mildred A. Bacud BULACAN, PHILIPPINES- Kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena. Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world's largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer. Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa 'overwhelming demand' para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer. Proud naman si Bruno Mars sa kaniyang Filipino roots. Puerto Rican ang kaniyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagka...

Summer Blast 2023 dinumog ng halos 120k na katao sa Philippine Arena

Imahe
by Mildred A. Bacud Hindi rin naman pahuhuli ang Pilipinas dahil kung ang Chicago ay may  Lollapalooza  at ang California ay may  Coachella , tayo  ay may  Summer Blast!  Dito’y tampok ang bigating concert experience, samo’tsaring pasyalan, amusement rides, booths, at summer-themed attractions, na talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023. Mahigit 120,000 lang naman na katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan noong Mayo 13 para makilahok sa  Summer Blast.  Walang naiulat na aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad Nakisaya at nakikanta ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng  Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy , at si  Gloc-9.  Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa dami ng nanood. Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga art...

Nick Banayo, bibida sa pelikulang Hiwaga

Imahe
by Mildred A. Bacud Kilala si Nick Banayo bilang faith Healer at tinaguriang Kumander Bantugan. Sikat siyang vlogger dahil sa kakayahan niyang makapaggamot at kumakausap ng ibang elemento. Sa halos 1.12m na subscribers sa Youtube, 508k followers sa Facebook at 679k sa Tiktok masasabing malakas na rin ang kaniyang following.  Bagaman hindi na bago sa kaniya ang pag-arte dahil nakapag-produce na rin naman siya ng ilang shortfilms at series, this time ay sasabak na siya sa big screen. " Bale kaibigan ko po si Ynez Veneracion at siya po ang nagdala sa akin kay direk Vince Tanada. Nabuo na nga po ang pelikulang " Hiwaga," na isang horror-fantasy action film." Ang genre na ito ay malapit kay Nick dahil na rin sa kakayahan niyang makausap ang mga ibang nilalang tulad ng engkanto at iba pa.  “Nagpapalayas ako ng masasamang espiritu, mga elemento, mangkukulam, mambabarang. Ang lola ko kilalang manggagamot sa Naic, Cavite. At ganun din yung ama niya, so siguro nas...