Mga Post

Trans Dual Diva Sephy Francisco rarampa sa kanyang major concert!

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Excited  na sa kanyang first major concert titled " This Is Me, Sephy ang "Trans Dual Diva”  na si Sephy Francisco. Gaganapin sa  Rampa Drag Club 40 Eugenio Lopez Dr, Diliman Quezon City sa January 26, 2024.  Matatandaang napanood sa  X Factor UK/ I Can See Your Voice Korea)  si Sephy taong 2018.  Ang " This Is Me Sephy ay hatid ng BB House Of Talents nina Businesswoman at  Philanthropist  Cecille Bravo at Businessman Philanthropist  at director din ng nasabing concert na si Raoul Barbosa. Nagpapasalamat si Sephy sa BB House Of Talents sa tiwalang ibinigay sa kanya para magkaroon ng malaking konsiyerto. " Until now ay di pa rin nagsi sink in  sa utak ko na meron na akong major concert, " " Grabe dati nangangarap lang ako na someday magkaroon din ako ng sarili kong concert, tiyaga lang, tiwala sa sariling kakayahan, magandang pakikisama sa industriya at  paghusayan ang trabaho and soon matutupag...

Hongkong Kailangan Mo Ako ni direk Njel de Mesa mapapanood na!

Imahe
(by Mildred Bacud) Kabilang kami sa mga naimbitahang panoorin ang trailer ng pelikulang "Hongkong Kailangan Mo Ako," na pinagbibidahan nina Mayton Eugenio at  Jean Kiley. Sa direksyon ito ng masipag na Vice Chairman ng MTRCB at direktor na si Njel de Mesa.  Walang tigil ang NDMstudios sa paggawa ng mga “de calibre” na international films! At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton  at Jeanb sa isang full-length buddy-girl comedy film. Matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles si Mayton (e.g. Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella etc.) at Jean Kiley (e.g. Jowable, Dulo, Ikaw pa rin ang Pipiliin ko, etc.)—pero dahil sa pagtitiwala ni Direk Njel de Mesa, ngayon pa lamang sila nagkaroon ng proyekto kung saan sila naman ang bida. Sa “Hongkong Kailangan Mo Ako,” gaganap si Mayton at Jean bilang mag-bestfriends na nagbakasyon sa Hongkong pero walang puknat ang mga kamalasan na sasapit sa k...

BG Productions, nagpasalamat sa pagsasara ng 2023; May mga bagong aabangan sa 2024

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Mahal ni Madam Baby Go ang showbiz kaya naman bago magsara ang 2023 ay isang bonggang pre-New Year party ang inihandog niya sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media.   Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Madam Baby, hindi lang sa pagkain kungdi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press sa pampasuwerteng ampao ng lady producer at businesswoman.  Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc. Last time ay nakagawa ang produksyo ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kungdi sa iba't ibang bansa. "May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year," saad pa ni Madam Baby. Ibinalita din ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni ...

Johnrey Rivas, bagong Presidente ng Philippine Stagers Foundation

Imahe
( by Mildred Bacud) Pormal ng ipinakilala si John Rey Q. Rivas bilang bagong Presidente Philippine Stagers Foundation Theater Company. Dati siyang  Head ng   PSF Digital Department na kilala bilang Stagers Channel.  Nagsimula bilang  Usher taong 2013. Naging aktor sa Teatro mula 2013 hanggang ngayon.  Pinasok naman ang pelikula noong 2020 hanggang sa kasalukuyan. Magkasunod na nanalo as Best Supporting aktor sa Famas at PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang "Katips."  Naging VP for Finance si Rivas mula 2020 to 2023 sa Philstagers. Pinalitan niya sa pwesto si direk  Atty. Vince TaƱada na nanatili namang Chairman of the Board at Artistic Director ng nasabing Foundation at kasalukuyan ding  CEO ng Philstagers Films. Si  OJ Arci ay nanatili sa posisyong Secretary General f sa tatlong divisions,  PSF, Philstagers Films at Stagers Channel Digitals. Congratulations Johnrey Rivas!

Marissa Sanchez,

Mamasapano, napapanood na sa Netflix

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Imahe
(ni Mildred A. Bacud) SA wakas ay magsisimula na ang shooting ng pelikulang  "Ang Babaeng Ayaw Mamatay," ng Inding-Indie Film Production at Janna Dee Production. Ito ay sa direksiyon ni Ron Sapinoso.  Nagkaroon ng contract signing  ang Inding Indie sa Tomas Morato Sikat Inc. Studio Quezon City no'ng November 26, 2023. Inaasahang magsisimula ang shooting ngayong Disyembre hanggang Pebrero ng susunod na taon. Nakatakda namang ipalabas ito sa mga SM Cinemas sa buong bansa. Ang pangunahing layunin ng proyektong ito, na pinangungunahan ni Janna Dee ay tumulong sa mga taong may kapansanan at mga nasa kahirapan. Nais din niyang maging kilala bilang Philippine Action Queen sa independent film.  Bukod kay Janna, ang mga makakasama sa naturang pelikula ay sina Diego Salvador, Pikwa, BPM, James, Shirly, Ivan Co, at marami pang iba.  Kaabang-abang ito dahil si Ron, isang kilalang manunulat at direktor, ang siyang din sumulat ng kuwento. Si Direk Ryan Manuel Favi...