Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2022

Dating sexy singer actress na si Gem Castillo masaya na ang buhay ngayon sa labas ng showbiz

Imahe
( Mayor Vic Amante & wife Gem Castillo) (by Mildred A. Bacud) San Pablo Laguna- Binisita namin ang dating isa sa mga hosts, sexy singer actress na si Gem Castillo. Napakaganda na ng buhay nito ngayon sa piling ng asawang si Mayor Vic Amante at apat na anak. Namangha kami sa ganda ng kanilang bahay at sobrang na-touch sa init ng kanilang pagtanggap sa aming press people, kasama ng aking mga kasamahan sa PMPC na sina , Fernan "Ms. F" de Guzman, direk Joey Austria, Boy Romero at  Rommel Placente. Sa imbitasyon 'yan ni Arlene Amoroto na malapit sa dating singer actress.  Kita sa awra ni Mayora ang contentment ng pagiging maybahay nito at ramdam ang fulfillment ng kaniyang pagtulong. Tamang tama na sa aming pagdalaw ay nag-ikot sa limang orphanages si Mayora kasama ang mga anak at Gaisano family para mamahagi ng tulong. Kaarawan din kasi 'yun ng anak niyang si Alondra na pinili raw mag-share ng blessings kaysa magpa-party.  Mahabang

Pelikulang Home I Found In You, siguradong papatok sa manonood

Imahe
Dumalo kami sa Story Conference ng pelikulang "Home I Found In You" under Rems Production.  A film by Gabby Ramos starring Jhassy Busran, Harvey Almoneda, John Heindrick Sitjar, Eunice Lagusad,Diego, Orlando Sol & Soliman Cruz. Proud si direk Gabby sa mga artista niya sa nasabing pelikula. Madali raw katrabaho at kahit mga bata pa ay propesyonal na.  Dating commercial direktor si direk Gabby hanggang sa magdesisyong magtrabaho sa ibang bansa. Matapos ang halos sampung taon ay nagbalik at tinanggap ang nasabing pelikula. Nakagawa rin siya ng short film "Pugon," kung saan nanalo siya as Best Director sa Manhattan International Film Festival.  Target ng ng Rems Entertainment Production na hindi lamang sa mga streaming platforms ipalabas ang Home I Found In You. Ipinapangako ng direktor na magkakaroon ito ng pagpapalabas sa big screen.  Going back sa nasabing pelikula, nang basahin namin amlng buod ng kwento, alam na namin kaagad na papatok i

Back to back saya sa It's Showtime kasabay ng pagbabalik ng live audience

Imahe
( from teddspotting IG) by Mildred A. Bacud Espesyal ang araw ng July 16 para sa It's Showtime family. Hindi lang kasi ang makasaysayang pagsasanib pwersa nila ng  programang Laugh Out Loud ng TV 5 at It's  ang napanood nitong araw na ito  sa Kapamilya Channel, A2Z, TV 5 at iba pa,ito rin ang araw nang pagbabalik ng live audience sa studio ng It's Showtime.  Sa larawang pinadala sa amin ng mga fan ni Kim Chiu, ang team Global ay todo ang suporta nila sa kanilang idolo. Bago ang pagwelcome sa madlang people ay pinangunahan ni Vice Ganda ang bonggang production number at habang umaawit ay lumabas ang mga audience. Hindi ganun karami kumpara no'ng normal pa pero bumalik muli ang saya sa loob ng studio.  Ibig sabihin lang ay nararamdaman na ang pagnormalize ng sitwasyon kahit pa may mga isyu ng pagtaas muli ng kaso ng Covid sa Pilipinas. Kumbaga ay manageable pa rin ang sitwasyon kaya nabigyan na sila ng permiso na makapag-  live audience

Mygz Molino, excited sa upcoming projects; Dedma sa mga intriga

Imahe
by Mildred A. Bacud Dama namin ang naging epekto ng pagkawala ni Mahal kay Mygz Molino. Ang dating masayahing vlogger actor ay sandaling nadepress sa pagyao ng malapit na kaibigan.  Pero hindi lamang pala sa paglisan ng kaibigan masasaktan si Mygz kundi hanggang ngayun dahil sa mga isyung binabato sa kaniya. Sa huking interview namin sa kaniya nang madayo kami sa Tanauan Batangas ay sinabi niyang nasasaktan siya sa mga paratang sa kanila ng manager na si Jethro Carey.  Kaya naman ikinagulat namin ang mga napanood at nabasa sa mga social media a acounts tungkol sa patutsada ng pamilya ni Mahal kay Mygz na may tonong sinisisi ito sa pagkawala ng kapatid.  Umabot sa puntong inalis na ng vlogger actor ang pangalang  Mahmygz sa kaniyang Youtube account na sa tingin naman namin ay dapat lamang. Yun rin naman ang hangad ng nakababatang kapatid ni Mahal na si Lanie nang makausap namin ito sa puntod ng kapatid. Hangad raw niya na makapag move on din si Mygz.  Nararapat lang talaga n

Sarah, may bagong kanta

Imahe
by Mildred A. Bacud May bagong aabangan sa singer actress na si Sarah Javier this July 15. Ito ang bago niyang single na " Happy Anniversary." Pasilip pa lamang ng kanta ay maganda na. Marami ang makakarelate sa nasabing awitin lalu na ang mga nagmamahalan na laging nagdiriwang ng anibersaryo. Ito ang swak na theme song sa kanila.  May mga nakaline-up pang mga proyekto kay Sarah. This July 31 sa Music Box ay bahagi naman siya ng isang show na may pamagat na Kanta Wanan na ang Main Act ay si Boobsie Wonderland. Excited ang singer/actress dahil first time din niyang makasama ang guwapong anak na si Jacob Flora na tulad niya ay maganda rin ang boses. Sa direksyon ito ng kaibigang Joey Austria. Happy naman si Sarah dahil kamakailan lang ay dumating ang ina na si Lilly Camet sa Pilipinas galing ibang bansa para magbakasyon at magdiwang ng kaniyang kaarawan.  Walang sinasayang na sandali at super bonding ang mag-ina at ang buong pamilya nito.  No